Chapter Fourteen - "Kisses and Goodbyes"

3.5K 19 1
                                        

Mistress

By IheartZeRoThEhErO

 

Chapter Fourteen

“Kisses and Goodbyes”

Madiin at mapusok ang kanilang mga naging halik kagabi. Tila ba di na iyon mauulit pa.

Tanging ang puting floral na kumot lamang ang tumatakip sa kanilang kaselanan. Tama, isa na nga siyang ganap na mistress. Pero wala siyang pakialam. Wala siyang pakialam kung ano pang itawag ng mga tao sa kanya. Ang tanging mahalaga lang sa kanya ngayon ay kasama niya ang mahal niya. Ang tanging taong minahal niya - si Johann.

“Anong iniisip mo?” tanong nito.

“Wala. Ikaw?” tanong naman niya rito.

“Ikaw. Ikaw lang ang laging nasa isip ko,” wika ni Johann.

“Mahal mo ba ko?” tanong niya.

“Pagmamahal bang matatawag kung sasabihin ko sayong kapag mawala ka’y mawawala rin ang pinakamahalagang bahagi ng pagkatao ko?” tanong ni Johann. “‘Yung part ng katawan kong nagpapadala ng oxygen sa utak ko.”

“Ang corny mo,” wika naman ni Samantha.

“Di ba bagay?” tanong ni Johann habang nakangiti.

“Mukha kang ewan!” sagot ni Samantha.

“May mukha bang ewan?” tanong ni Johann.

“Meron ah! Mukha mo,” wika ni Samantha.

“Pero in love ka sa taong may mukhang ewan?” tanong ni Johann.

“Tinatanong pa ba ‘yan?” tanong ni Samantha.

Mistress (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon