Chapter Six - "Alone with You"

3.8K 30 0
                                    

Mistress

By IhEaRtZeRoThEhErO

 

Chapter Six

 

“Alone with You”

Halos malaglag ang mga panga nina Christine, Dina, Clarece at iba pa nang makita ang lalaking kasunod ni Samantha na naglalakad.

Napataas kilay naman si Samantha, at napatingin sa likod niya. Nagulat din siya sa nakita at halos gusto niya ng tumakbo palayo sa gwapong lalaking nakasuot ng white na tshirt at short.

“Johann?” tanong ni Samantha rito.

Hindi maipinta ang mukha ni Johann ng makitang si Samantha pala ang babaing nauunang maglakad sa kanya. Malamang iniisip na nito na sinabayan niya ito sa pagpunta rito.

“Hi Samantha!” wala na siyang makitang ibang salita bukod rito.

“Johann are you...” wika ni Samantha, subalit...

“Johann, oh nabili mo ba yung pinabili ko?” tanong ni Andrew mula sa likod niya.

Dumiretso sa paglalakad si Johann at iniwan sa daan si Samantha. It was like receiving a slap in front of everyone.

Huminga siya ng malalim at pinilit na maging kalmado. Nang mga oras na iyon pakiramdam niya binuhusan siya ng malamig na tubig.

“Hey Sam what’s up? Come here!” aya ni Christine sa natulalang si Samantha.

Lumingon siya sa mga kaibigang hinintay siya sa daan na mukhang nililibot ang resort. Nakasuot sila ng bikini’s with shaul on waist.

“Did you brought my flip flops?” tanong ni Clarece.

Ngumiti siya rito, “Of course! It’s Summer isn’t it?” wika ni Samantha.

“And who needs a boyfriend?” tanong ni Clarece.

“I’ve got my girlfriends!” wika niya.

Christine just rolled her eyes. Nagdrama na naman ang mga singles, or maybe mga forever alone niyang classmates.

Napangiti na lang si Dina sa dalawa, parang di lumipas ang panahon at walang nagbago sa kanilang apat. Still very close...

“Teka nga muna, miss fashion designer, ano ‘tong naririnig ko na nakadate mo daw si Brad Pitt?” tanong ni Christine kay Samantha.

“Brad Pitt? Haler wala akong balak na makiagaw kay Jenni at Angi, bahala sila... Nagdesign lang ako ng isang suit for BP, that’s all!” wika ni Samantha.

“Okay, then?” tanong naman ni Dina.

“That’s it!” wika ni Samantha.

Mistress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon