Entry 1

2.1K 42 3
                                    

Entry 1

October 25, 2013

Dear Diary,

Nandito ako ngayon sa ospital. Alam mo kung bakit Diary? Inatake ako ng sakit ko. May sakit ako. Hindi lang isang simpleng sakit. May sakit ako sa puso. Ilang araw na lang ang itatagal ko sa mundong ito. Ilang araw na lang...

Alam mo ba na ang lungkot ko? Hindi ko inaasahan ang mga sinabi ng doktor sakin. Stage 4 na raw ang sakit ko. Alam mo bang marami akong maiiwan? Sila Mom and Dad. Si Jen, Ogie at Lia. Sila Mama Lucing at Dada Rei. Ang mga kamag-anak namin tsaka mga classmates ko. Lalung-lalo na si Davis. Marami akong maiiwan. Maraming malulungkot. Maraming iiyak. Ayokong mangyari yun. Ayokong umiiyak sila nang dahil sakin.

Kaya susubukan ko silang pasayahin sa mga nalalabing araw ko. Ilang araw na nga lang ulit ang itatagal ko? Ah.

Animnapu't araw at labindalawang oras na lang pala ang itatagal ko sa mundong ito.

- Miracle

60 Days and 12 Hours (Miracle's Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon