Entry 9
November 18, 2013
Dear Diary,
Di ko alam kung ano ang nararamdaman kong ito. Gusto ko palaging nasa tabi ko si Zac. Sa tuwing wala siya sa tabi ko, halos mangiyak na ako para lang makita siya. Di ko talaga alam kung bakit. Siguro eh dahil pag sa tuwing nandyan siya, ngumingiti ako. Pag nasa tabi ko siya, ang saya-saya ko. At hindi niya ako hinahayaang malungkot. Minsan naman, napapanag-inipan ko siya. At minsan, di ko inaasahang tatambad siya sa isipan ko.
Sa totoo lang, ganito rin ang naramdaman ko noon kay Davis na umabot sa pagmamahal ko sa kanya. Hindi mapakali ang isipan ko sa isang tanong, "Posible kayang magkagusto rin ako kay Zac?". Kung magkagusto man ako sa kanya, dapat ko na ring sabihin agad dahil nauubos na ang oras ko at masarap sa pakiramdam na sabihin ang nararamdaman mo sa isang tao bago ka mawala sa mundong ito dahil kung hindi mo man masasabi sa kanya, maiiwan ang tanong sa isip niya kung nagkagusto ba ikaw sa kanya o hindi. Hindi mapapakali ang konsensya niya sa tanong na iyon kung sumagi man sa isip niya.
Pero, ito ang ikinatatakot ko. Paano kung may gusto rin sa akin si Zac?
Huwag sana. Natatakot ako na iwan siya pag nangyari yun.
Kaya ako natatakot na sabihin sa kanya. Baka mangyari rin ulit ang nangyari sa kaso namin ni Davis. Ayoko. Ayoko pang may masaktan muli.
Ayoko ring masaktan ulit.
- Miracle
BINABASA MO ANG
60 Days and 12 Hours (Miracle's Diary)
RomansaShe loved him but she rejected him because of her nearing death. But then, she met another him and that is when she realized that love is much powerful than death. How can she puzzle her heart into pieces if her heart will only remain in 60 days and...