Entry 6
November 6, 2013
Dear Diary,
Matagal na rin pala akong di nakapagsulat sa iyo Diary, Busy kasi kami sa seminar nitong mga nagdaang araw. Pasensya ka na ha, nalilimutan na kita.
Si Zac nga pala, medyo nagkakabutihan na kaming dalawa. Sa totoo lang, kaibigan ko na siya at kapag wala siyang ginagawa ay bumibisita siya sa kwarto ko at pinapasaya ako. Pero di niya pa rin alam yung sakit ko. Siguro ay malalaman niya rin naman sa takdang panahon. Ang alam niya kasi, may simpleng lagnat lang ako. Sana naman ay masabi ko na sa kanya ang sakit ko.
Mabait si Zac. Sa totoo lang, ginawa niya akong assistant niya pero hindi naman yung assistant na masyadong pinapahirapan. Minsan, nagsasalita rin ako sa seminars. Tapos natulong rin ako sa decoration at minsan ay nagle-lead sa iba sa tuwing wala si Zac.
Kanina nga Diary, pumunta si Zac sa kwarto ko. Tama lang ang pagpunta niya dahil wala akong kasama sa mga oras na yaon. Nanood lang naman kami ng TV at nagkwentuhan. Umalis na rin naman siya pagkatapos.
Nandito pala si Ogie, Jen at Lia. Sige, magkekwentuhan muna kami.
- Miracle
BINABASA MO ANG
60 Days and 12 Hours (Miracle's Diary)
RomanceShe loved him but she rejected him because of her nearing death. But then, she met another him and that is when she realized that love is much powerful than death. How can she puzzle her heart into pieces if her heart will only remain in 60 days and...