Entry 7

689 18 4
                                    

Entry 7

November 8, 2013

Dear Diary,

Ang lungkot ko ngayon, Diary. At alam kong hindi lang ako ang malungkot sa mga oras na to. Pati na rin ang mga pasyenteng sumusubaybay sa seminar na pinupuntahan ko.

Pumunta si Zac kanina sa kwarto ko at malungkot na nagbalita na wala na raw ang seminar. Halos papaiyak na siya nang mga oras na iyon. Bilang kaibigan, hinayaan ko siyang umiyak sakin.

Nawalan na daw sila ng pondo para ipagpatuloy ang seminar at ang kaisa-isang sumusuporta sa kanila ay nagkaroon ng malaking utang.

Naaawa ako sa itsura niya kanina. Sobra talaga siyang naapektuhan doon. Gustung-gusto niya talaga na tumulong sa mga pasyente.

Sana maka move-on na siya sa pangyayari. Ayokong mawala ang mga ngiti niyang nagpapangiti sakin at nagpapalimot ng mga problema ko.

- Miracle

60 Days and 12 Hours (Miracle's Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon