Entry 17

564 14 0
                                    

Entry 17

December 12, 2013

Dear Diary,

Ilang araw na rin siyang hindi nagpakita sa akin. Pero sa araw na nagpakita siya, naging pinakamasaya ang araw na yaon.

Akala ko hindi na ulit magpapakita si Zac. Hindi na siya nagpakita matapos nang sinabi ko sa kanya. Hindi na niya naitupad ang pangako niyang pagbisita araw-araw. Marahil talaga ay naguguluhan pa rin siya sa mga nasabi ko nang mga araw na iyon.

Hindi na rin bumibisita ang iba masyado. Kung bibisita man sila, ilang minuto lang ang pananatili nila sa kwarto ko. Masyado na ngang naging abala ang lahat.

Pero hindi ko inaasahan ang araw na ito.

Dumating si Zac. Ikinagulat ko iyon. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagngiti niya nang dumating sa kwarto ko. Akala ko pa nga noon na nakalimutan na niya ang mga sinabi ko o kaya naman pilit niyang kinakalimutan at iniiwasang ipaalala sa akin.

Pero akala ko lang iyon.

Lumapit siya sa kama ko at bigla niya akong niyakap.

Isang yakap na may halong pag-aaruga at pagmamahal.

Iyon ang ikinabigla ko. Hindi ko alam kung ano ang nasa takbo ng isip niya nang mga panahong iyon.

Tinanggal niya ang pagkakayakap namin.

At mas ikinagulat ko ang sinabi niya.

"Mahal rin kita Miracle"

Doon ako pinakanabigla. Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya. Parang naging estatwa ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Kaya nasabi ko tuloy, "U-Ulitin mo nga"

Nagtaka siya nang una pero napangiti rin agad, "Sabi ko, mahal kita Miracle. Ma-hal ki-ta"

Saka ko lang naisip ang mga sinabi niya. Hindi na ako nagpaligoy pa at sa sobrang saya ko ay niyakap ko ulit siya nang mahigpit. Hindi ko na inisip ang mangyayari pagkatapos noon. Basta, binulungan na lang ako ng aking puso na gawin iyon. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Parang naghalo-halo lahat ng emosyon ko dahil sa sinabi niya.

Ako, mahal ako nang taong mahal ko Diary. Ako na ata ang pinakamasayang tao sa buong mundo nang mga panahong iyon.

Pero hindi pa nagtatapos doon ang lahat. Nang tanggalin na namin ang yakap sa isa't isa ay nagtanong kaagad siya.

"Kailan mo nalaman na mahal mo ako?"

Hindi na rin ako nagpaligoy pa sa pagsagot, "Hindi ko alam. Basta dumating na lang ang araw na tumibok ang puso ko, umiwas sayo, kabahan, mamula, isipin ka, mapanag-inipan ka. At doon ko na nasiguradong mahal na kita"

Pero hindi siya nagpatalo sa sinabi niya.

"Ah. Ako kasi, nang una pa lang kitang nakita ay nagustuhan na kita. Hindi naman kita isasayaw noon kung wala akong gusto sa iyo noon hindi ba? Wala rin ako para sa iyo kung hindi kita mahal hindi ba?"

Ang mga salitang iyon. Nakaukit lang palagi sa aking puso. Nang una pala ay minahal na niya ako. Sobra ang saya ko dahil doon.

Sa mga panahong iyon, naisip ko na simula ngayon, ipinangangako ko nang aalisin ko na ang mga agam-agam ko Diary. Susundin ko na ang sinasabi ng aking puso. Hindi ko na pakakawalan pa ang mahal ko gaya ng ginawa ko kay Davis.

Ikamatay ko man.

Hindi na ulit ako iiyak at hindi ko na ulit papaiyakin ang taong mahal ko.

Naalala ko tuloy ang mga salitang binitawan sa akin ni Davis,

"...Sana ay makita mo ang lalaking nakatadhana talaga para sa iyo, kung magkakaroon man. Pasayahin mo siya gaya nang pagpapasaya mo sa akin..."

Ipinangangako ko, gagawin ko ang lahat para mapasaya ko si Zac, Davis.

- Miracle

60 Days and 12 Hours (Miracle's Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon