Entry 5
October 31, 2014
Dear Diary,
Nagkaroon nga pala kami ng activity sa seminar kanina. Tsaka, medyo nakakalimutan ko na rin si Davis dahil sa seminar na iyon. Nagpamigay sila ng mga pagkain at nagkaroon pa kami ng mga laro. Sobrang saya namin kanina. Nakapangmulto pa nga si Sir Zac noon. Pero, hindi siya nananakot. Nagpapatawa siya habang nakasuot noon. Halloween na kasi. Kung mananakot ang iba, maaaring atakihin ang mga pasyente dito sa takot kaya imbis na manakot, nagpapasaya sila.
Nagyaya pa sila na sumayaw ng cha-cha. Ang mga matatanda na pasyente ay hindi na nagdalawang-isip at sumayaw na. Pamapatanggal-stress daw sabi nila. Ako naman, nakaupo lamang doon. Sinabihan ko na nga si Mama Lucing na sumayaw na rin siya dahil alam kong gusto niya rin. Itinulak ko pa nga siya para mapilit ko hanggang sa kuhanin ng matandang-lalaki na katabi ko na nawala na ang dextrose na nakakabit sa kanya ang kamay ni Mama Lucing. Pinagmasdan pa nga ako ni Mama Lucing bago siya humataw at mukhang binabantayan ako. Nagsenyas na lang ako sa kanya na huwag na siyang mag-alala pa kaya naman tinuon niya na ang mga mata niya sa kasayaw niya.
May nakita rin akong lalaki at babae na nagsasayaw doon. Pilay ang babae kaya sinasayaw na lang siya ng lalaki sa pamamagitan ng pagbuhat sa kanya. Bigla ko na namang naalala si Davis. May panahon kasi na binuhat niya rin ako noon.
Lumungkot ang mukha ko nang mga sandaling iyon, Diary. Sa totoo lang, ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan kaya hindi ko dapat isisi sa kanya ang pag-iwan niya sakin pero hindi ko pa rin talaga magawang makalimutan ang mga ala-ala namin.
Napansin kong may humawak sa kamay ko at hinila ako sa sayawan. Nakatalikod lang siya at hindi ko masyadong makita ang mukha.
Hanggang sa inilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at hinawakan niya ako sa may baywang ko. Slow Dance na pala ang tinutugtog.
Naanigan ko na rin ang mukha niya. Ngumiti siya sakin. Di ko alam kung bakit napangiti rin ako. Mayroong bagay sa ngiti niya na nagpapangiti rin sa akin.
"Pasensya ka na kung hinila kita papunta dito. Nag-iisa ka lang kasi eh"
Tumango na lang ako.
Nagsayaw nga kaming dalawa. Medyo naiilang ako kasi hindi na ako sanay makasayaw ang ibang lalaki bukod kay Davis.
"Wag kang mag-alala, di ako nangangagat"
Natawa naman ako sa sinabi niyang yun, "Alam ko. Naiilang lang kasi ako"
"Sus. Magtiwala ka lang sakin. Ano palang name mo?"
"Miracle"
"Miracle? Ang ganda naman ng pangalan mo. Buti na lang at andito ka, para magkaroon ng miracle sa hospital"
"Hehe...di naman porket Miracle pangalan ko eh ganun na yung magagawa ko"
"Nagbibiro lang ako"
Pinagpatuloy na namin ang pagsasayaw namin. Hindi na ako medyo naiilang dahil nakausap ko siya kahit kaunti.
"Um, Sir Zac-" di ko na naituloy dahil nagsalita agad siya.
"Call me Zac. Not Sir Zac"
Nakalimutan ko na rin ang dapat na sasabihin ko nun sa kanya, Diary. Nakita ko na naman kasi yung ngiti niya na nakapapaglimot ng mga alaala ko. Basta ang naaalala ko lang ay pagkatapos ng pangyayaring yun, natapos na ang seminar.
Yun lang Diary. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung bakit ang tindi ng epekto sakin ng ngiti ni Sir- este Zac. Itutulog ko na lang siguro ito.
- Miracle
BINABASA MO ANG
60 Days and 12 Hours (Miracle's Diary)
RomantiekShe loved him but she rejected him because of her nearing death. But then, she met another him and that is when she realized that love is much powerful than death. How can she puzzle her heart into pieces if her heart will only remain in 60 days and...