Entry 10
November 23, 2013
Dear Diary,
Sobrang saya ang nararamdaman ko nitong mga araw. At lahat nang iyon ay dahil kay Zac.
Ipinangako niya sa akin na pasasayahin niya ako sa mga araw na natitira sa akin.
Unang-una, pinilit niya ang mga magulang ko na lumabas kaming dalawa. Lumuhod pa nga siya sa harapan nila para lang magmakaawa. Pati ako, nakiusap na rin sa kanila na payagan ako kahit hindi ko alam ang plano niya kung bakit gusto niya kaming lumabas. At hayun, pagkatapos ng ilang pakiusap ay nakumbinsi rin namin sila. Alam naman nila na malapit kong kaibigan si Zac kaya alam kong may tiwala ang mga ito sa kanya. Nangako naman si Zac na aalagaan akong mabuti.
Pumunta kami ng Amusement Park at sabi niya, ako na daw ang mamili ng rides dahil baka mamaya raw ay atakihin ako sa ride na pipiliin niya.
Una kong pinili ay ang Merry Go Round. Bukod kasi sa ito na ang pinakamalapit sa kinatatayuan namin ay hindi rin masyadong mahaba ang pila dito. Sumakay ako sa isang puting kabayo at si Zac naman ay lulan ng itim na kabayo sa tabi ng akin. Nagsimula na itong umikot at habang umiikot ay may sinasabi pang mga biro si Zac sakin tungkol sa unang kabayong sinakyan niya dati na dahilan para magtawanan kami ng mga oras na yun.Isinunod naman namin ang mga booth doon. Ang pinakanagustuhan kong booth ay yung may water gun ka at babasain mo yung kasama mo. Sinubukan namin ni Zac yun at nagbasaan kami at nagtawanan.
Nagpahinga kami pagkatapos. Bumili kami ng ice cream dahil nagugutom na kami. Nagulat nga ako nang pahiran niya ako ng ice cream sa mukha na dahilan para mainis ako kaya pinahiran ko rin siya. Natawa pa nga ako sa mukha niya nang pahiran ko siya. At sa dahil alam kong papahiran niya ulit ako ay tumakbo ako at naghabulan kaming dalawa.
Dahil sa madungis na kami, naghilamos muna kami sa publikong palikuran. Habang ginagawa ko iyon, di ko maiwasang tumingin sa salamin ko at ayusin ang aking mukha. Hindi ko rin alam kung bakit gusto ko na pagkalabas ko, ay maayos ang mukha ko sa harap niya. Marahil ay parte na rin iyon ng pagkagusto ko sa kanya.
Pero alam kong mali. Mali ang magkagusto ako sa iba. Mamamatay na ako, ayun ang unang sumagi sa isip ko.
Pagkalabas ko, nagyaya si Zac na kumain kami ng panghapunan kaya naman dinala niya ako sa pinakamalapit na restowran at doon kami kumain. Napansin ko ngang gutom na gutom siya kaya naman sinubukan kong ibigay sa kanya ang kaunting parte ng pagkain ko pero inayawan niya ito. Kailangan ko daw magpalakas, sabi niya. Di ko naman mapigilan ang sarili kong matuwa dahil doon.
Bumalik ulit kami ng Amusement Park. At sumakay naman kami ng ferris wheel. Matagal na rin akong hindi nakasakay doon. Noong bata pa lang ata ako nang huling sakay ko. Pagkasakay namin, naikwento sa akin ni Zac ang una niyang sakay dito na umiyak pa raw siya dahil gusto niya na raw bumaba agad. Nasabi ko rin sa kanya ang unang sakay ko na ikinatuwa niya rin naman.
Huminto ang ferris wheel sa taas. Nakita namin ni Zac ang mga tao sa baba. Ang liliit nilang lahat. Naisip ko, paano kaya kung mapunta na ako sa itaas. Ganyan din kaya ang magiging hitsura ng mga tao pag tumingin ako sa baba?
Manghang-mangha naman si Zac nang huminto kami dahil parang lumilipad na daw siya. Natawa tuloy ako.
Matapos iyon, hinatid na niya ako sa ospital. Tinanong niya pa nga kung may nararamdaman ba ako. Nagbiro pa nga ako na oo, meron akong nararamdaman na ikinagulat niya pero dinugtungan ko ang sinabi ko kaagad. Masaya ang pakiramdam ko. Masayang-masaya.
Matapos noon, umalis na rin siya.
Di ko malilimutan ang araw na yaon. Ang araw na masaya ako kasama siya. Di ko man nasabi sa kanya na gusto ko siya, tama na ang makasama ko siya kahit isang araw lang.
- Miracle
BINABASA MO ANG
60 Days and 12 Hours (Miracle's Diary)
RomantikShe loved him but she rejected him because of her nearing death. But then, she met another him and that is when she realized that love is much powerful than death. How can she puzzle her heart into pieces if her heart will only remain in 60 days and...