Entry 2
October 26, 2013
Dear Diary,
Napalitan ng kasiyahan ang lungkot na nararamdaman ko nang dahil kay Davis. Pinasaya niya ako nang sobra-sobra ngayong araw.
Dalawang taon at tatlong buwan na kaming nagsasama. Bilang na bilang ko pa ang mga araw na malaya kaming dalawa, walang iniintinding problema. Pero tila umiba ang ihip ng panahon. Iyon na nga, sumulpot ang kasumpa-sumpang sakit na to. Hindi na ulit kami makakalabas ni Davis tulad nang dati. Hindi ko na ulit masisilayan ang paglubog ng araw kasama siya. Sa mga nalalabing araw nang pananatili ko sa mundong ito, kailangang manatili lang ako sa hospital dahil anumang oras ay maaaring umatake ang sakit ko at maaaring mapaaga pa ang pagkawala ko. Ayoko mangyari yun. Kung pwede lang sanang ihinto ang oras ay inihinto ko na noon pa. Gusto ko pang makasama nang matagal ang mga mahal ko sa buhay. Ngayon ko lang naramdamang magpahalaga nang sobra-sobra sa oras. Kung may habambuhay lang sana, pero wala.
Diary, sobrang saya ko talaga sa ginawa ni Davis. Ipinaramdam niya sa'king wala akong sakit.
Nakahiga ako nang araw na yun sa kama ng ospital. Wala akong kasama dahil alam kong abala ang iba. Gusto nga akong samahan ni Mama Lucing pero sinabi kong wag na dahil alam kong abala siya. Kahit ang iba rin ay gusto akong samahan, hindi ako pumayag dahil alam kong magiging perwisyo lang ako sa ginagawa nila. Tsaka, nangako naman sila sa aking dadalawin ako kapag natapos na sila sa mga kanya-kanyang ginagawa.
Habang nakahiga, may nagbukas ng pinto. Si Davis pala ito. Napaupo ako sa pagkakahiga ko. Malungkot ang mukha ni Davis nang mga oras na iyon kaya naman nag-alala ako para sa kanya. Itinanong ko kung anong problema pero umupo lang siya sa kama katabi ko at mukhang mayroong itinatago sa likuran niya. Sinabihan ko pa siya na hindi na dapat pumunta pa dahil ayos lang ako pero sa halip, hindi siya sumagot.
Hinawakan niya ang mga kamay ko. Naaalala ko pa rin ang mga saktong sinabi niya sa akin.
"Miracle, please be with me 'til the end of time."
Pinag-aralan kong mabuti ang mga sinabi niya. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha galing sa aking mga mata.
"Davis...I'm sorry. I'm really sorry. Kung pwede lang sana..."
Napatakip ako ng bibig nun habang humihikbi. Gustung-gusto talaga ni Davis na makasama ako habambuhay. Ako rin, gustung-gusto ko pero hindi na mababago ang kapalaran. Kung ano ang itinadhana ng Diyos na mangyari, wala na kaming magagawa pa roon.
Nagsimula na ring tumulo ang luha niya, "Alam kong mawawala ka na sakin pero ayokong mangyari yun. Ayokong-ayoko..."
Nagulat ako nang ilabas niya ang kung anong nasa likod niya. Isa itong maliit na kahon na parang ideyal ang laman. Habang patuloy na tumutulo ang luha sa aming mga mata, unti-unti niyang hinila ang kamay ko at lumuhod.
"Please marry me."
Hindi ko na napigilan ang patuloy na pagbuhos ng luha ko. Ang mga luhang iyon ay puno nang kasiyahan. Kasiyahang hindi ko pa naramdaman sa buong buhay ko. Pero, alam kong mali ito. Kahit masaya, mali ito.
Binuksan na niya ang maliit na kahong dala niya. Isang singsing na mukhang mamahalin ang laman nito.
Yumuko siya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko, "Please marry me Miracle. Wala akong pakialam kung mawala ka man, mahal na mahal kita. Gusto kong hanggang kamatayan, tayo pa rin ang magkasama."
Matagal ko nang ginusto ito. Matagal ko nang pinangarap ang humarap sa altar kasama ang lalaking mahal ko. Matagal ko nang ginustong maglakad sa gitna ng simbahan. Matagal ko nang ginustong makaharap ang paring sa ami'y magkakasal at matagal ko nang ginustong makipagpalitan ng 'I Do' sa aking kabiyak.
Pero mali ito. Maling-mali. Kahit hatid nito ay kasiyahan, mali talaga ito. Ayokong 'pag nawala ako, mangungulila ang lalaking mahal ko.
"Davis, I'm sorry..."
Iyan ang mga huling salitang ibinigkas ko sa kanya, Diary...
- Miracle
BINABASA MO ANG
60 Days and 12 Hours (Miracle's Diary)
RomanceShe loved him but she rejected him because of her nearing death. But then, she met another him and that is when she realized that love is much powerful than death. How can she puzzle her heart into pieces if her heart will only remain in 60 days and...