Entry 11

559 13 1
                                    

Entry 11

November 25, 2013

Dear Diary,

Ako ang may kasalanan. Sinisisi nila si Zac dahil sa akin. Kung hindi lang sana ako sumama sa kanya sa Amusement Park, hindi sana mangyayari ang lahat nang ito.

Pagkatapos ko muling sumulat sa iyo, inatake ulit ako ng sakit ko. Nasabi ko na naman sayo na bawal akong mapagod sabi ng doktor hindi ba? Ayun ang dahilan kung bakit ako inatake. Napagod raw ako. At isinisisi nila ang lahat kay Zac dahil bago ako sumulat sa iyo ay dinala niya ako sa Amusement Park. Pero mali yun hindi ba? Sa totoo lang ay sobrang saya ko nang araw na iyon at nakakalimutan ko ang pagod kaya bakit ako mapapagod?

Kinausap ako nila Mom and Dad. Ipinagbilin nila sa akin na bawal na akong lumabas ng ospital. Magpapahinga lang daw ako sa kwarto ko. Ipinaliwanag ko naman sa kanila na dapat ay hindi nila sinisisi si Zac sa nangyari dahil gusto niya lang ako pasayahin at ako naman talaga ang siyang pumayag na sumama sa kanya. Nasabi na lang nila na iniintindi lang nila ang kaligtasan ko. Wala akong maisagot pagkatapos noon, Diary. Dahil pakiramdam ko ay mas tama sila. Pinoprotektahan lang nila ako. Ayaw nila akong mawala agad.

Pero iniisip ko pa rin Diary, bakit habang may magagandang nangyayari ay saka susulpot ang masasama?

- Miracle

60 Days and 12 Hours (Miracle's Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon