Extra Entry: Zac's Diary

962 17 5
                                    

December 31, 2013

Ang swerte mo, ano? Ikaw ang pinagsulatan ni Miracle ng mga nararamdaman niya. Oo, nabasa ko ang lahat simula sa pinakaunang pahina mo.

Alam mo ba kung paano kita nakita? Pagkatapos nang pagkamatay ni Miracle, ay pinalinis ang kwarto niya. Nakita kita sa may tabi ng lamesa niya habang tinitipon ko ang mga gamit niya.

Libing niya pala kanina. Isinama na rin kita para makita mo ang napakaganda niyang mukha na nasa ataul na. Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa akin.

Ngayon ko lang nakita ang mga pinagdaanan ni Miracle dahil sa iyo. Inaamin ko, nagseselos ako kasi una niyang minahal yung isang Davis samantalang ako, una ko siyang minahal. Hindi ba't napakahilig niya ata sa mga Davis?

Pero wala naman talaga akong dapat ikaselos. Siguro, kung nabubuhay pa siya ngayon at nakikita niyang binabasa ko ang Diary niya at sinusulatan na nagseselos ako dun sa isang Davis, pagagalitan ako nun at ipagpupumilit na ako ang mahal niya. Pero wala na siya. Alam ko iyon.

May isa pa nga akong napansin sa Diary niyang ito, naguguluhan pala siya noong una kung sasabihin niya ba ang tunay niyang nararamdaman sa akin o hindi. Natuwa naman ako doon. Talagang pinag-iisipan niya pang mabuti ang mga iyon para hindi lang ako masaktan.

Nang araw na mawala siya, hindi kami umiyak dahil sa kalungkutan. Kasiyahan pa nga ang nararamdaman namin. Kasi naman, masayang-masaya talaga si Miracle nang araw na iyon. Sinabi pa niya sa amin na hindi raw siya magiging masaya kung hindi dahil sa aming lahat kaya wala kaming karapatan na umiyak sa kanya nang dahil sa mawawala na siya. Nang namatay siya, kitang-kita ko ang mga ngiti sa labi niya. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin yun malimutan. Masaya na ako doon. Tama nang makita ko ang mga ngiti niya sa labi at pumapayag na akong ipaubaya siya sa Maykapal.

Sobra kong minahal si Miracle. At ganun din siya. Nabasa ko ang mga sinulat niya sa iyo. Mukhang napaniwala ko talaga siya doon sa sorpresa ko. Ang babaeng iyon, halos lahat ng sinulat niya sa akin ay magaganda. Ganun niya talaga ako kamahal, ano?

Ilang araw na ang nakalilipas simula nang mawala siya. Pero para sa akin, kahapon lang siya nawala. Ganun ko naman siya kamahal.

Sana maging masaya na siya sa kung nasaan man siya naroroon. Kung ganoon man, masaya na rin ako. Alam kong hindi siya papabayaan doon.

At siyempre, hindi niya rin ako papabayaan. Babantayan niya ako, alam ko iyon. Nasa tabi ko lang siya, nakayakap sa akin. Nasa loob lang siya ng puso ko.

Hindi pa nawawala si Miracle. Lagi siyang andito, alam ko yun.

Hindi ko malilimutan ang mga alaala naming dalawa. Ang mukha niya, ang ngiti niya, ang lahat-lahat sa kanya.

Nangako ako sa kanyang magpapakatatag ako kahit wala na siya.

At tutuparin ko ang pangakong iyon.

Ikaw na Diary niya, magsisilbing alaala ko tungkol sa kanya. Itatago kita at iingatan gaya ng pag-iingat niya sa iyo.

Siguradong matutuwa siya kapag alam niyang nasa pangangalaga kita pero wag sana siyang magalit, kung binasa man kita. Baka mamaya ay multuhin niya ako.

Nagbibiro lang. Pero, nagpapasalamat rin ako sa iyo. Salamat dahil andiyan ka lagi para sa babaeng pinakamamahal ko.

Ang pangalan niya na Miracle. Gumawa ng isang Miracle. Isang milagrong hindi malilimutan ng lahat nang naiwan niya.

At isa ka sa mga milagrong iyon, Diary niya. Kung hindi dahil sa iyo, wala sana akong pinakamagandang alaala niya.

Sa tuwing babasahin kita, maaalala ko siya.

- Zac

60 Days and 12 Hours (Miracle's Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon