PROLOGUE
Unfair
"Requesting all the students to be in front of the stage so we can start the program. We are also requesting the parents to join their child. In just ten minutes the program will start. Thank you."
Wala sa sariling napatingin ako sa labas. Diretso agad ang mata ko sa stage kung saan nandun si ate Ana bilang host ng program.
Nagsisipuntahan na ang mga studyante kasama ang mga magulang nila. Unti-unti din nauupuan ang inayos naming silya na galing pa mismo sa classroom namin.
Napapalinga ako at nakikita ko ang pagdaan ng mga pamilyar na mukha ng ibang studyante mula sa ibang section sa harap ng room namin. Dahil isa ang room sa daan para makapunta sa stage na malapit din sa gate, kaya malaya namin silang napapansin.
Marahas akong huminga saka tinali ang basa kong buhok.
Hays. Kapagod!
"Basi!"
Kagat ang pantaling nilingon ko ang tumawag sa akin. Napangiti rin ng makita na isa iyon sa mga bago kong kaibigan.
Hindi ako nagsalita pero tinaas ko ang dalawang kilay bilang senyales na ipagpatuloy niya ang sasabihin. Umupo ito sa harapan ko gamit pa ang mismong silya ng adviser namin.
"Nakita mo si Salem?" tanong nito.
Kumunot naman ang noo ko. Tinapos ko ang pag-aayos sa buhok ko saka inayos ang uniform na bahagyang nagusot.
"Si Salem?" Luminga ako. "Hindi ko pa siya nakikita. Bakit?"
Ngumiti ito sa akin. "Hinahanap siya ni ma'am Roa. Sabi honor din daw siya." Pagkatapos at maliit itong tumili at tumalon pa.
Ang liit nitong tao pero ang energy sobrang high!
Napailing na lang ako at tumingin sa paligid. Mabuti na lang at nasa stage na ang karamihan kaya walang nakapansin sa pagtili niya. Ang problema lang, baka mismo principal pa ang sumaway sa amin dahil katabi lang ng room namin ang opisina nito.
"Basi, huwag kang maingay," saway ko, nangingiti. "Nandiyan si principal."
Pero hindi ito nagpaawat.
"Sus, hindi 'yan. Busy, eh. Tingnan mo, andun na." Sabay turo nito sa may stage. Napatawa na lang ako dahil totoo ang sinasabi nito. Nandun na nga ang principal. At ang masaklap, nagsisimula na ang program at wala pa kami dun.
"Shanice, Jasmin, ano hindi pa kayo pupunta dun? Nagsisimula na ang program."
Sabay kaming ngumiti sa adviser naming kapapasok lang. Nakapameywang.
"Ma'am, hindi pa naman awarding, eh. Kaya keri lang 'yan," sagot ng kaibigan ko.
Umiling lang ito saka inutusan kaming pumunta na dun. Nakasimangot kong sinarado ang room. Humarap sa stage at napangiwi nang makitang wala kaming masisilungan. Wala nang space sa puno ng kaymito. Lalo na sa may tent sa harap mismo ng stage.
BINABASA MO ANG
To Forget (Destined Series #1)
Ficção Adolescente[Destined Series #1] [Completed] "After all this years. . . it's still you. It never change, it's always been you, my love. . ." High School when they first met each other. Henrick Yu and Jasmin Basibas became friends until their feelings developed...