X

40 4 0
                                        

CHAPTER TEN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER TEN

Ex-crush

Time fly so fast. Hindi naman inakala na tapos na agad kami sa grade 8. Hindi man lang namin namamalayan. Ang bilis.

A week after the examination, the results were showed. Sobrang saya dahil lahat kami nakapasa. Walang may maiiwan. We are also happy for our friends who are part of the honor. Proud na proud kami sa kanila dahil akalain mo 'yon, nakaya nila? Nakaya rin naman namin iyon nga lang, iyong sakto lang, wala nang sobra.

And after all we deserve a break. We deserve a threat. With that, our adviser, without us telling her, threat us.

"Oh, ito, bumili kayo ng banana cue dun o kung anong gusto niyo. Ipagkasya niyo na lang 'tong pera."

Lahat kami masaya dun. Ang iba pa nga'y tumili pa na akala mo nanalo ng lotto.

"Thank you, Ma'am!" Sandy Jane beamed, giving our adviser a very warm smile.

Sumunod din sa pagpapasalamat ang iba. Isa na ako dun. Kahit na sabihing simpleng banana cue lang iyon, malaking bagay iyon sa amin. Kahit na nga wala, eh, ayos lang. Because being with them, creating strong friendship, making memories together as a grade 8 Anthurium is very much enough. Wala na kaming maiihihiling pa dun. Sobra pa iyon. Kahit na parte ng memoryang iyon ang hindi pagpapasok sa amin ng adviser namin sa room sa loob ng isang linggo, ayos lang. Kahit pa nagmukha kaming mga batang musmos at palaboy.

And after all, being in this section is one thing that I will treasure. Because for the first time, I've got the chance to discover this new feeling that I only felt this time.

Ibang klase. Sa dinami-dami ng pwedeng crush-in, bakit sa kaklase pa ako?

***

From: Henrick Yu

Pupunta ka ba sa recognition day ngayon?

'Yan ang pambungad na chat sa akin ng lalaki pagkagising ko sa araw mismo ng recognition day ng school.

Pikitmata kong tiningnan kung anong oras siya nag chat at hindi na nagulat nang makitang kanina pa itong alas tres ng madaling araw.

Ano kayang ginagawa ng lalaking 'to sa kanila at gising pa rin kahit ganitong oras na. Pambihira. Hindi talaga kataka-taka kung bakit ang payat niya.

Hindi ko muna iyon nireply-an. I yawned before getting up and washing my face in the kitchen. Alas sais y medya na ng umaga kaya hindi na ako nagulat nang makita sa kusina ni Tatay na nakaharap ang tasa ng mainit niyang kape.

"Good morning, 'Tay," bati ko.

Binalingan niya ako ng tingin at nginitian. "Mabuti naman at gising ka na, Min."

While slowly walking, I felt a smooth fur touching my legs and a smile immediately creep from my lips when I saw my cat, Minggay, looking up, meowing.

Cute.

To Forget (Destined Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon