III

46 5 0
                                    

CHAPTER THREE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER THREE

Mangga

Ilang minuto akong natulala dun. Parang hindi agad pumasok sa utak ko lahat ng sinabi nung Henrick.

Seryuso ba 'yon?

Paulit-ulit akong huminga ng malalim. Napakurap nang makita ko ang adviser namin. Papunta na sa classroom habang may salamin sa mata. Ang seryuso masyado.

She's our adviser. Filipino teacher namin noong grade 7 at sa tingin ko ganun pa rin ngayon.

Napangiti ako saka umatras.

Hindi na natuloy ang plano kong paglabas. Pinagkasya ko na lang ang sarili sa pagbuga ng hininga para lang pakalmahin ang sarili. Bumalik ako sa upuan ng walang lingon-lingon sa may gilid.

Ramdam ko ang tingin ng kung sino. Hindi ko na lang iyon pinansin.

"Basi, sa'n ka galing?" tanong ni Rowilyn pagkabalik ko. Natigil na sila ngayon sa pag-uusap. Napansin sigurong papalapit na si ma'am.

Bahagya akong ngumiti. Sumandal ako sa upuan. "Wala lang. Diyan lang sa tabi-tabi." Tumawa naman ito sa sinabi ko.

Pagkasabi ko nun saka rin naman pagpasok ni ma'am Altar, ang adviser namin. Natahimik bigla ang lahat.

Nagsimula siyang magsalita sa harap. Nakikinig lang ako habang itong mga katabi ko, pasimpleng nag-uusap patungkol sa kung anong masarap iulam mamaya.

Nangingiti lang akong umiling at hindi na sila pinansin. Ayoko kong madamay kapag napagalitan na. Kaya na nila ang sarili.

"Siguro masarap iulam 'yong adobo mamaya."

"Tanga. Anong iuulam mo sa adobo sa canteen? Eh, puro mantika lang naman ang laman nun."

"Luh? May leeg naman ng manok, Rowie. 'Wag kang masyadong harsh kay mana Ikyat."

"Bakit? Anong kakainin mo sa leeg? Buto?"

Natawa ako sa batuhan nila ng salita. Hindi pa recess 'yan pero ultimo leeg ng adobong manok nadamay sa usapan nila.

Alam kong pansin na sila ni ma'am Altar pero pinagsasawalang bahala na lang niya iyon dahil kilala niya na rin naman ang mga kaibigan ko. Naging studyante niya rin kami kaya alam niya na ang mga ugali namin. Mas makikilala niya nga lang ngayon. Isa pa, kaya siguro hindi niya na lang iyon pinapansin dahil unang araw pa lang naman ng pasukan. Wala pang masyadong klase.

'Yon nga ang nangyari. Nagbigay lang si ma'am ng schedule namin saka ibang requirements. Naging madali lang kaya may vacant agad kami. 'Yon nga lang, bawal pa kaming lumabas. Kinasimangot 'yon ng karamihan. Pati na rin ako. Gutom na kasi ako, eh. Wala akong kain kanina.

Wala naman kaming nagawa. Naghintay lang kami para sa sunod naming subject. Sa natitira namang oras, balik kwentuhan ang lahat. Nakisali ako pero hindi ko naman inaakala na mag-fe-feeling close itong mga kaibigan ko para makipag-usap din sa iba. At ang malala sa grupo pa nung mga Diamond!

To Forget (Destined Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon