[Destined Series #1] [Completed]
"After all this years. . . it's still you. It never change, it's always been you, my love. . ."
High School when they first met each other. Henrick Yu and Jasmin Basibas became friends until their feelings developed...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER THIRTEEN
Hello?
Time flies so fast. Tapos na ang summer at sa susunod na linggo, pasukan na ulit. Kaniya kaniyang reklamo na ang naririnig ko mula sa kaibigan pero natatawa na lang ako.
Last month was our enrollment. Nagpa-enroll na ako para wala nang problema pagpasok ko. And yes, it was confirmed that Yesha will not yet transfer to our school. Ang sabi, tatapusin niya daw muna ang junior high sa school kung nasaan siya ngayon. I don't really know the real story but that's what they say.
And for my friend Marco and his family, they go back to the USA for some important matters. Ayos lang iyon sa 'kin. Nangako din naman ang lalaking babalik siya at dito na mag-aaral.
"Min, kain na daw. Aalis kayo ni Nanay para bumili ng gamit mo." It was my ate.
Sumagot lang din ako ng oo bago tuluyang tapusin ang pagliligpit. I sigh when I finished doing it.
Before going out, I looked at my phone and just like the usual, I receive nothing from him. Bakit ko nga ba hinahanap ang mga message niya?
For the whole summer, we don't have any means amof communication. Huli kong kita sa kaniya ay 'yong aksidente ko siyang nakita sa dagat nung kasama ko sina Marco. Pagkatapos nun, wala na, wala na din siyang message. Hindi ko naman magawang mag-mesaage kasi wala naman akong sasabihin. Baka magmukha lang akong tanga kapag gawin ko iyon. Feeling close ko naman kung ganun.
I chatted my friends if they already knew their section but they only replied “no”. One of my friends even said that she's not excited to know and I only laughed with that.
Hindi ako makapaniwala, parang kailan lang, grade 7 pa lang kami pero ngayon, grade 9 na. Ang bilis ng panahon at hindi ako nagtataka kung isang araw gigisingin ako ni Nanay dahil pasukan na ulit.
"Min, gising na. First day niyo ngayon."
Antok na antok pa ako pero nilabanan ko iyon. A part of me is excited to go to school because honestly, I miss my classmates and friends and even some of our teachers.
Naging madali lang lahat ng kilos ko. Sa labas, nakita ko ang ilang bagong grade 7 students na ang aga talagang pumasok dahil excited. Natawa na lang ako dahil napagdaanan ko na iyon at sa huli, tatamarin din sila.
"Baon mo," sabi ni Nanay pagkalabas ko ng kwarto. "Nasa labas na ang kuya mo, nag-aantay."
It didn't take me long on my travel. Agad akong nakarating sa school.
Unang araw kaya hindi na ako nabigla nung makitang maraming studyante na agad. Mostly new faces meaning grade 7.
Pagpunta ko sa room ng mga grade 9, kukunti pa lang ang nandun. I discovered that my section would be Saturn which is the first room. Delikado dahil malapit lang sa canteen, nakakaubos ng pera.