CHAPTER TWENTY-FIVE
Immature
"K-kain ka muna. . ."
When Henrick said that, I looked at him with my sleepy eyes.
I sighed. Kitang-kita ko ang pamumula ng mata niya sa sobrang pag-iyak kanina. Hindi ko alam ang gagawin. I was just staring at him because I couldn't move even an inch of my body.
Sorry siya ng sorry kanina. Hindi ko din maintindihan ang iba niyang sinabi dahil basag ang boses niya. At nung mahimasmasan, tumayo ito, nagpaalam sa akin na magluluto siya.
Hindi ko alam kung bakit pero kahit na wala pa akong kain at hindi pa ako uminom ng gamot, sa kaalamang nandito siya, parang gumaan ang pakiramdam ko.
Nakatulugan ko iyon hanggang sa gisingin niya ako ngayon.
Binuksan ko ang mata at bumungada sa akin ang nag-aalala niyang mukha. He assisted me to sit properly and leaned against the headboard of the bed. He even put some pillow on my back and head so it won't hurt. And when he saw that I was already comfortable, he arranged the bedsheet on my lap.
Nung nakuntento, tumigil na siya at bumaling ulit sa mukha ko. Bumuga siya ng hangin bago ulit lumapit para hagkan ako sa noo.
"Sorry. . ." he whispered with a low voice.
I didn't say anything. Sinimulan niya akong pakainin sa niluto niya.
It was chicken porridge. It looks so delicious but I was a bit disappointed when I didn't even taste a bit of it. Wala akong panlasa, siguro dahil sa sakit.
Sumandok siya mula sa mangkok. Nakatitig lang ako sa kaniya habang ginagawa niya iyon, ingat na ingat, seryuso ang mukha.
Nakikita ko minsan ang panginginig ng kamay niya pero pilit na kinakalma ang sarili.
Sinubuan niya ulit ako. Hindi ko maiwasang mapangiwi. He saw it that made his eyes widen a bit.
He swallowed hard. "Hindi. . . hindi mo ba gusto?"
Kumunot ang noo ko. Nag-iwas siya ng tingin para huminga ng malalim bago binalik sa akin ang mata.
"Hindi na masarap ang pagkain?" tanong niya. "Sorry. . . ito lang kasi ang alam ko. Ahm, kung gusto mo, bili na lang ulit tayo?"
Nagsalubong ang kilay ko. Anong sinasabi niya?
"Bakit tayo bibili?"
He swallowed again. "Kasi hindi mo gusto?"
Pinilig ko ang ulo. "Sinong may sabi?"
"Ako?" he said, unsure.
If only we are not in this situation, I would probably laughed because of the way he act.
"Bakit mo naman nasabi?" I asked in a low voice.
Binasa niya ang pang-ibabang labi. "Kasi kanina ka pa ngumingiwi, kaya feel ko hindi masarap. Ahm, kaya kung gusto mo bibili na lang ulit ako. Anong gusto mo?"
I chuckled a bit. Napahinto din dahil naubo. Agad niya akong inasikaso. He immediately caress my back before handling me a glass of water.
Puno ng pag-aalala ang mata niya. He was gentle but I know, deep inside, he's afraid.
"I'm. . . o-okay," I tried to say but end up, coughing again.
Mas tumindi ang pag-aalala sa mata niya.
"Please, stop talking first, hmm?" halos mabasag ang boses niya.
Nung medyo kumalma na ako, parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib.
BINABASA MO ANG
To Forget (Destined Series #1)
Teen Fiction[Destined Series #1] [Completed] "After all this years. . . it's still you. It never change, it's always been you, my love. . ." High School when they first met each other. Henrick Yu and Jasmin Basibas became friends until their feelings developed...