CHAPTER FIVE
Anthurium. It is the section were I am now. First section in our level, grade 8.
Sa section na 'to, sinasabing lahat daw ng matatalino nandito na. Para kami 'yong sinara mula sa iba't-ibang section noon tapos heto kami, 'yong natira dahil sinasabing may nakakaangat kami sa kanila.
The pressure is on us, they said. Kami nga kasi 'yong first section kaya dapat hindi kami nagpapahuli.
Akala ko magiging mahirap ang buhay ko rito. Napapalibutan ka kasi ng matatalino, sinong 'di ma-pre-pressure dun.
But just a one and more day of being with them, I already feel comfortable. Na hanggang ngayon hindi mo mararamdaman 'yong pressure. Walang competition sa loob. Walang angatan. Kalma lang. Sama-sama kami. Na kung nahihirapan ang isa, tutulong naman 'yong iba. Walang apakan pero may asaran. Nakakatawa kasi minsan may umiiyak na dahil naasar na masyado pero imbes na maawa, tatawa pa kami at tatawa din siya. Parang ganun. Na kahit gaano pa namin inaasar at inichismis, ayos lang. Iiyak 'yan pero bukas ng umaga, ayos na ulit. Asaran ulit. Laro at walang katapusan 'yon.
Ang saya. Na kahit marami na ang quizzes at reporting, ayos lang. Nandito naman sila, tutulong. You won't feel any insecurities. It's purely fun. . . happiness.
Isang buwan pa lang pero 'yong saya. . . sobra na.
"Okay! From the top!"
"Na naman? Del, kapagod na!" reklamo 'yon ni Rowie. Parang pagod na pagod na pero ang totoo, isang practice pa lang naman ang ginawa namin.
"Hiyang hiya naman kami sa 'yo, Rowie. Mukhang pagod ka na, ah? Nakakapagod bang umupo?" Rochelle tsked.
"Hoy! Nakakapagod kaya! Lalo na habang tinitingnan ko kayong hindi magkamayaw sa sayaw. Jusko! Ang sakit sa mata!" sabi ni Rowie tapos umirap pa.
"Hiyang hiya kami sa 'yo, 'di ba? Ang galing mo namang sumayaw," sapaw ni Mimi, sarkastiko ang boses.
Lumabas na din si Sandy mula sa linya. Nakapameywang na ngayon. "Hala uy, baka nakakalimutan mo, hija, kasali ka dito. 'Wag kang ano."
Tumawa ako. Napailing sa ginagawa nilang kabaliwan. Napagkakaisahan nila ngayon si Rowilyn. Pasaway kasi.
Pano ba naman. Vacant namin ngayon. Hindi dahil wala 'yong teacher o absent siya kundi kami mismo ang nagpilit n vacant muna. Ang galing, noh?
Nagpra-practice kasi kami ngayon. Para 'yon sa sasayawin naming intermission number bukas. Claps snap yata 'yong title. Hindi lang ako sigurado. Acquaintance party kasi.
Whole class kami kaya medyo magulo. Ah, hindi lang pala medyo, magulo talaga.
"Del, sige na please. Spare us," pagmamakaawa ni Rowilyn.
Tingnan mo talaga 'tong isang 'to. Akala mo naman pagod na pero ni isang butil ng pawis wala ka pang nakikita sa kaniya.
Napahugot na lang ako ng hininga saka umiling. Wala rin namang nagawa 'yong leader namin kaya in the end, pumayag na lang kaya ayan, nakasalampak na sila ng upo.
BINABASA MO ANG
To Forget (Destined Series #1)
Genç Kurgu[Destined Series #1] [Completed] "After all this years. . . it's still you. It never change, it's always been you, my love. . ." High School when they first met each other. Henrick Yu and Jasmin Basibas became friends until their feelings developed...