CHAPTER FOUR
Suyo
"Tanginang buhay 'to! Ayoko na!"
"Edi 'wag!
"Ayoko ko na talaga!"
"Edi 'wag nga."
"Ayoko ko na talaga! As in! Ayoko-"
"Sabi ng 'wag na nga! Ang kulit!"
Hindi ko maiwasang matawa sa ginagawang sagutan nina Sandy at Rowilyn. Parang silang mga tanga, sa totoo lang. 'Pag kasi sasabihin ni Rowie na 'ayoko ko na' sasagot naman si Sandy ng 'edi 'wag'. Walang katapusan. Ang malala lang, sa bawat sagutan nila may patayo-tayo pa mula sa upuan ang nangyayari.
Hindi lang ako ang natatawa sa kanila. Actually, lahat kami sa room. Mukha kasi silang problemadong-problemado. Well, hindi lang naman sila, kaming lahat talaga. Para kaming pinagbagsakan ng langit at lupa ngayon. Pano ba naman kasi. . .
"Langya kasing 'x' 'to, 'di mapalagay sa buhay. Ba't kasi hindi na lang niya hanapin ang sarili niya, 'di ba? 'Di 'yong tayo pa ang maghahanap sa kaniya. Find x find x my ass!"
Tumawa ako sa sinabi ni Rowie. Well, in some point, tama rin naman siya. Palagi na lang kasi naming na-e-encounter 'tong si x. Parang lamok. Palaging sumusulpot. Hindi naman kailangan pero palagi nandiyan. Pero kung tao 'yan, hahanapin mo palagi namang wala. Pambihira!
Ito kasing teacher namin sa math nagbigay ng sandamakmak na activity. Karamihan 'find the x' keme keme. Eh, ang hirap kaya.
May meeting kasi ang mga teachers. Nagkasayahan kami kasi Math period namin 'yon. Akala ko ligtas na kami pero hindi pa pala. Nagbigay pa kasi si ma'am ng maraming activity. At ang deadline ngayon lang rin. Pagkatapos ng oras namin sa kaniya.
Huminga ako ng malalim. Minasahe ang noo saka pinakatitigan ang papel.
Nagbuga ulit ako ng hininga. Kahit ilang beses ko pa 'tong tingnan, wala talaga akong maintindahan. Sobrang kumplikado. Wala ni isang madali.
"Pang-labinglimang buntong hininga mo na 'yan."
Nagitla ako ng marinig ang boses na 'yon. Nang tingnan ko kung sino ang may-ari, parang mas sumakit pa ang ulo ko.
Ano na namang ginagawa ng lalaking 'to dito?
"Problemado tayo, ah?" sabi niya bago umupo sa harap ko. Hawak niya ang ballpen at papel. Alam ko na ang sadya nito.
"Oo, problemado talaga ako. Dumagdag ka pa dun," walang buhay kong sabi. Sumandal ako sa upuan at huminga ng malalim.
Mabuti pa 'tong iba kong kaklase, tahimik at seryusong nagsasagot. Samantalang ako at itong mga kaibigan ko, naghihintay lang sa grasya. Jusko! Ayoko talaga sa Math! Nakakaiyak!
"Sungit mo naman, Jas. Hindi mo ba alam na may utang-"
Tinaas ko ang kamay, pinapatigil siya sa pagsasalita saka inis ko siyang tiningnan.
BINABASA MO ANG
To Forget (Destined Series #1)
Novela Juvenil[Destined Series #1] [Completed] "After all this years. . . it's still you. It never change, it's always been you, my love. . ." High School when they first met each other. Henrick Yu and Jasmin Basibas became friends until their feelings developed...