Chapter 4: The Notebook

234 20 2
                                    

 Chapter 4 - The Notebook


Test day. Yeah. Test day. Kaya nga ang klase ay busy sa nga exam namin. Mag mimid term exam na kasi eh. Kaya rush days na kami nanaman.

Urgh. Eto na naman ang mga killer tests.

Kasulukuyang na sa kubo ako at nagbabasa ng mga aralin ko. Nirereview ko kasi ang mga aralin na cover ng susunod naming na test.

Simula nang namatay si Lucy, lumayo at mas lumaki pa ang distansiya ko sa mga kaklase. Animo'y isa akong kahindik – hindik at katakot – takot na virus na kinamumuhian ng lahat at para bang ansarap – sarap puksain.

Hay, nag – iisa na naman ako. Pero at least, may peace of mind ako.

"Hey, nice meeting you again, Miss Leanna," bungad ng isang bagong dating. Nakilala ko ang kaniyang boses. Napangiti ako doon.

"Detective Segeir, I presume?" tanong ko sabay harap sa kaniya.

Nakangiti ako sa kanya. Gumanti ito rin ng ngiti.

"Akala ko kinalimutan mo na ako," He pouted. So cute.

"By the way, how's life?" aniya.

Bago ako makapagsalita, may naalala ako. Patay. Bakit iyun pa ang kinalimutan ko?


"Ah, okay lang. Balik na ako ng room ha. Mag tetest na kasi kami," sabi ko sa kaniya at walang lingon – lingon ay umalis ako sa kubo.

Sorry, Segeir, ha? May parte kasi sa akin na kailangan ko siyang sundin.

Para kung hindi ko siya susundin, ay baka ako pa ang matuluyan next. Ganun katakot siya kasama.

Sa wakas, natapos na rin ang araw na ito.

Nakahinga na ako nang maluwag. Hay, ang buhay nga naman.

Ang sabi – sabi, suicide raw ang dahilan kung bakit namatay sina Lucy. I knew it is a lie. Halata naman na murder case eh. Or not just any ordinary murder case?

Hindi ko pinalampas ang locker room ngayon. Yup, may na receive akong bago sa locker this morning.

But this time, it is not a creep note.

But instead, it is a little reddish black book. Ang hirap istinguish ang color. May nakalakip ding isang note rito.

Different paper. Different ink. Different penmanship. Different message. The same creepy feeling.

'Not mine. Not yours. Use it well'

Grabe. Pakiramdam ko tuloy may stalker ako. Ganito ba ang naranasan ng mga biktima? O baka ako lang ang may ganito?

I shrugged of the idea. Alam ko naman sa sarili ko na wala akong kasalanan kaninuman dahil I am nobody and no one can see me. Para nga akong ghost sa mismong school na ito.

Umupo ako sa waiting shed sa labas ng school. Binabawi ko muna kasi ang energy ko bago makapag lakad ulit. Knowing galing kami sa madugong labanan sa papel na dilat.

Habang nakaupo, pinagtatagpi – tagpi ko lahat ng mga nangyaring pagpatay sa isipan ko.

Ang unang pagpatay ay sa guy na nangangalang Travis. Hapon iyun namatay, mga bandang 3 to 4 siya napatay. Tumalon DAW sa Deijim Building.

Ang ikalawa naman ay si Lucy Montes. Nakita ko siyang patay at nakiabigti sa Science Lab after classes.

Deijim Building? Sa pagkakaalam ko, iyun ang building na nasa tapat namin. Tanaw mo mula sa mismong bintana namin ang kabilang bintana nito. Parang magkatalikod ang dalwang building.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon