Where Nobody has a Name

43 4 0
                                    


Epilogue


Where Nobody has a Name 


Mid-July, ten years ago

"Christian! Bilisan mo at mahuhuli ka na!" bulyaw ni Mommy sa akin mula sa baba.

Iyan na naman tayo. Pupuntahan na naman namin ang lintek na mapapangasawa ni Mommy.

Pupuntahan namin iyang lintek na pamilya ng bagong mapapangasawa niya. Simula nang iwan kami ni Daddy, walang inatupag si Mommy kungdi umiyak nang umiyak.

Walang inatupag kungdi ang mga lalaki niya at kalimutan ang sariling anak.

Gabi-gabi, nag-uuwi siya ng lalaki. Gabi-gabi, naririnig ko ang mga ungol na kailanman hindi makakapagpatahimik sa akin kahit hanggang sa paghimbing.

Tapos ngayon nakahanap siya ng bagong lalaki kung kaya't may bago na naman siyang nilalandi.

Bakit ganoon ang mga matatanda? Bakit sarili lamang nila ang tanging nakikita?

Paano naman ang nararamdaman ko?

Paano naman?

"Mom, what's the point of visiting that bastard's house if you will be with him sooner?" I hissed after I went outside my room and went down even though I don't want to.

"Watch your mouth, young man! Hindi kita tinuruang magsalita ng ganyan," aniya habang nakapameywang.

Umupo lamang ako sa gilid ng hagdan at iniwasan siya ng tingin. "I guess there's no point for me to be there."

Isang malutong na sampal ang natamo ko mula sa mabigat niyang kamay.

Galit ako sa kaniya.

Galit ako sa kaniya.

Galit ako sa kaniya.

Galit ako sa kaniya.  

Galit ako sa kaniya. 

Galit ako sa kaniya. 

Galit ako sa kaniya, pero wala akong ginawa kungdi sumunod sa kaniya.

Nanay ko siya, kaya ang pagsunod ko sa kaniya ay ang tanging halaga ko sa buhay na ito.

Iyun lang ang tanging halaga ko sa kaniya. Sa mundong ito.

Hindi rin naglaon, kinasal ang ina ko sa isang bastardo tulad niya. Halata naman na pera ang habol niya mula sa amin, pero nagbulag-bulagan ang ina ko mula sa katotohanang ito.

"Christian! Nasaan ka nagpunta na hayop ka?!" mapangahas na bulyaw ng bagong haligi ng tahanan.

Mabait ang trato niya sa akin kapag nandiyan si Mommy, at siya ay nagiging isang demonyo kapag kaming dalawa ang magkasama.

Isang malakas na suntok ang natamo ko mula sa kaniya. Hindi ko kasi nasunod ang gusto niya.

"Ano ba yang puta ka! Ka-lalaking tao, ang lampa-lampa mo!"

Hinila niya ako sa bunbunan at binungaan nang binungaan.

Bakit? Bakit kailangan kong magdusa?

Ano ba ang nagawa kong kasalanan?

Ang eksistensiya ko ba? Ang eksistensiya ko ba ang kasalanan?

Kung gayon, hayaan niyo na lang akong mawala. Permanenteng mawala sa buhay.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon