Chapter 23: Silhouette

46 11 0
                                    



Chapter 23 - Silhouette

Sobrang kinakabahan ako. Mas matindi kaysa sa naramdaman ko noong nakita ko ang aking report card.


Mas nakakatakot pa sa kamatayan, dahil si Kamatayan na mismo ang nandito.



Binilisan ko ang aking paglalakad. Animo'y nakikipagkarerahan.



Napatalon ako sa gulat. May nakasalubungan akong batang lalaki at hindi ko sinasadyang mabangga siya kaya kami ay parehas napaupo sa daan.



"Sorry, kuya. Hindi ko sinasadya nabangga ka," paghihingi ko ng paunmanhin.



Binalewala niya ang sinabi ko at tinulungan lang ako na tumayo.



He is somewhat... familiar.



Nagulat ako nang kumaripas siya ng pagtakbo pagkatapos akong tulungan. Hindi manlang akong hinayaang mag-thank you.



Katulad lang ang nangyari ngayon nung araw na namatay si Lucy.



Teka... Ano?!



Dahil sa aking napagtanto, minabuti ko na bumalik sa locker room at silipin ang locker ko.



At tama nga ang hinala ko.



The same letter. The same creepiness. Different message.



"Time will Tell. IT is officially you versus me."



Namuo ang aking kamao. Damn you!



Nilabas ko ang notebook at inipit doon ang bagong note.



I notice something in the message. There are three t's. And the double 'l' was used three times.




Teka. A hidden message?



Letter T.



Double L.



Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon