Chapter 19: Imparadise

39 10 0
                                    


Chapter 19 - Imparadise



Biyernes. Biyernes ngayon. Ang kinaganda pa ng araw dahil ngayon ay ang legendary na Friday the 13th.



Wala naman kaso sa akin dahil wala naman talaga akong paki-alam.



Yet, I still cannot get over to what that man said to me last Wednesday.



Trust him? Big word.



Pero dapat mas intindihin ko ang sitwasyon kung nasaan ako ngayon. Kung bakit ako nasa loob ng nakakasukang room.



What a freakish day.



"Oh, Leanna. Bakit hindi mo suot ang iyong uniporme?" tanong sa akin ng ina bago ako pumasok sa paaralan.



"Nakalimutan ko pong labhan ang uniform ko kagabi eh wala po daw dapat magsusuot ng P.E. ngayon," pagdadahilan ko.



"Aba at baka pagalitan ka niyan ng teacher mo," paalala niya.



Ngumiti ako sa kaniya. "Hindi yan, Ma."



Kalmado akong pumasok sa paaralan. Pero hindi ko namalayan na hinarangan ako ng isang matabang lalaki na may hindi pamilyar na mukha.



"You! Girl with yellow T-shirt and the boy with blue jacket. Come with me, now!"



Hindi ko alam kung bakit niya kami pinatawag sa Guidance Council.



"Do you know the rules here in our school?" bungad niya sa amin.



Hindi naman kami kumibo ng kasama ko.



"Strictly na pinapatupad ng ating school ang pagsuot ng complete uniform. I don't care if you are anak ni mayor or what. But rules are rules. The girl with yellow T-shirt. What is your reason why you don't wear your uniform?"



"Nasa labahan ang uniform ko. Hindi naman po ako nakalaba kagabi at anong oras na po ako nakauwi," sagot ko.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon