Chapter 18: Trust Me

39 10 0
                                    

Chapter 18 - Trust Me



"Leanna! Hoy! Leanna Paige! Aba at tulala ka na naman," bungad sa akin ng isang nilalang na ayaw ko makita ngayon.



"Ano ba ang problema mo sa buhay mo, Segeir?!"



Tinawanan lamang ako ng isa. "Kanina ka pa kasi nakatulala ano ba ang nangyari at bigla ka nawala nung isang araw?"



Hindi ako umimik at binaling ko na lamg ang tingin sa iba. Sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari nung kasama ko si Rence.



Hindi ako makapaniwala sa nakita.Tila ba nabalot ng mahika ang lugar.



Bakit?



Ang bahay kung saan nakatira ang taong sadya ay ang puno mismo!



"Halina at pumasok tayo," tawag sa akin ni Rence. Nagising ang ulirat ko kaya wala sa tino akong lumapit sa kaniya.



"Kailangan pa nating kumatok, di ba?"



Umiling lang si Rence sa nangangatog kong tanong. "Mas magandang binibigla yung taong makakatulong sa atin."



Ngumiti siya na para bang may tinatago siya. As always, the one and only Rence na makulit.



Dahan-dahan kaming lumapit sa bahay na mukhang puno.



Ang plano ay gulatin kung sino man siya, ngunit mukhang kami pala ang magiging biktima dito.


"Hoy haliparot na Rence! Ano naman ang ginagawa mo at nandito ka? Aba at nagsama ka pa ng babae mo!"



Pamilyar. Napakapamilyar ng tinig na iyun. Hindi kaya...



"Packing tape! Masakit yun ha, Anna!" bulyaw pabalik naman ni Rence.



Sumulpot siya mula sa aming likod. Hindi nga ako nagkakamali.



"Miss Anna? Kilala niyo po si Rence?"

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon