Chapter 25: Hide and Seek

32 9 0
                                    



Chapter 25 - Hide and Seek



Inilahad ko sa kausap na nasa kabilang linya ang nangyari kanina.



[What did you discover?]



"Natagpuan namin ang biktima nanakaupo at ang kaniyang damit puno ng dugo ngunit walang sugat ang katawan nito. Sa kaniyang lamesa naman nakasulat ang mga letrang WD. Ang biktima nagkaroon ng internal hemorrhage at nasa comatose state siya," ani ko habang nakayukom ang kamao.



Damnation will be yours for eternity, WD...



[If the killer is really there, then the evidence must still be inside the school with him.]



"Aldel, paano ko malalaman na nandito pa ang mga ebidensiya?"



[Ano naman ang silbi ng mga ibon sa tabi mo?]



Naintindihan ko ang kaniyang pakahulugan. Nagpaalam ako sa kausap at pumunta sa gawi nina Segeir.



Asking help from an unknown organization is so not my style.



"Oh, Miss Mojica! Kanina ka pa naming hinahanap," ani Inspector Tsubasa.



Ngumiti ako sa kaniya. "Pasensiya na, Inspector. May kinausap lang sa phone..."



Naramdaman ko ang malalim na titig ni Segeir sa akin ngunit binalewala ko ito.



"Oh siya, siya... Tingnan mo ito, Miss Mojica. Sabi sa forensics, ang dugo na nasa damit ng biktima at nasa lamesa ay mula sa isang manok."



"Dagdag pa dito, ang biktima ay nakaturo ang hintuturo. Ang kuko ng hintuturo ng bawat biktima ay pare-parehong may black nail paint," ani Segeir.



Napaisip ako nang malalim. Ano kaya ang gustong ipahiwatig nito?



"Inspector Tsubasa, maari bang huwag munang pauwiin ang lahat at halukayin ang mga gamit? Sa tingin ko, may makukuha tayong ebidensiya kapag ginawa natin iyun."

Maiging nag-isip ang inspector. "Pero malaki rin ang pag-asa na maitatapon ng suspect ng ebidensiya dahil magkakaroon siya ng sapat na oras para gawin iyun."

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon