Chapter 3: Sorry, Lucy

324 19 2
                                    


Chapter 3 - Sorry, Lucy



"Leanna, uuwi ka na ba?" tanong sa akin ni Lucy.

Ngumiti ako sa kaniya. Kakatapos lang kasi ng aming klase kaya dumeretso ako sa locker room.

Malaki ang pasasalamat ko dahil unang-unang sa lahat, walang weirdo ang nagpagala-gala ngayon na biglang susulpotang magsasalita ng kung ano-ano na siyang nagpapagulo ng utak ko.

Wala na ring kakaibang nangyari matapos insidente na nangyari noong nakaraan.

Kuntento ako sa ganitong set – up ng buhay ko. No close friends. No communication much. No weird notes.

At payapa pa ang buhay ko. Nakamit ko kasi ang peace of mind na kailangan na kailangan ko.

Ilang linggo na rin ang nakalipas matapos naganap ang aksidente.

Ayon sa mga sabi-sabi, Travis Santill ang pangalan ng biktima. Wala ring nakakaalam kung bakit pagkamatay ito.

"Sorry, Lucy...May aasikasuhin pa ako," malamig na sagot ko sa kaniya.

Totoo naman kasi, may gagawin pa ako. Nanghihinayang siguro din ang kaklase kasi wala siyang kasabay pauwi.

Ngumiti siya sa akin nang mapakla."Okay lang, Leanna...Next time na lang tayo sabay umuwi, ha?"

Tango lamang ang tugon ko dito bago siya umalis at iwan ako kaya ako na lang ang natira sa locker room.

Ngunit laking gulat ko nang nakita ako kung ano ba ang nasa loob ng locker. A note.

Same paper. Same ink. Same handwriting. Different message.

"The one you thought to be in your side is the one who will give you the eternal damnation"

Kumunot ang noo ko dahil sa nabasa.

"What the...Ano ito?" bulong ko.

Nagbikit – balikat ako at inayos ang gamit ko sa locker at bag bago umalis doon.

Laking pasasalamat ko dahil walang tao sa hallway. Nahihilo akong tingnan ang paligid kapag mayroon akong kasabay lalo na kung ako ay nasa masikip na lugar tulad nito. Ito rin ang dahilan ko kung bakit madalas na sa loob lamang ako ng classroom.

Ngunit sa bawat hakbang ko, naramdaman ko na unti-unti itong bumibikat na para bang hinihila ako pababa. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Sa buong buhay ko, ngayon ko lamang naramdaman ang masidhing takot at kaba na handang lamunin ako anumang oras. Ngayon ko lamang na nadama ito.

Habang naglalakad, may isang taong agad rumehistro sa isip ko.

Clyde.

What do you really want?

Nasa gitna ako ng pag-iisip nang may nakita akong lalaking tumatakbo sa hallway. Naasar ako dahil nabangga niya ako samantalang maluwag na ang hallway at wala nang taong dumadaan. Hindi rin niya nagawang lingunan ang nag-iisang tao na binangga.

Walang modo talaga ang mga tao.

Sinundan ng aking paninginang lugarkung saan siya nanggaling.

Galing ito ng Science Lab.

Wala sa sarili na tinangay ako ng sariling mga paa papunta doon. Hindi ko rin alam kung bakit mas bumilis ang tibok ng aking puso.

Halos mangisay ako sa takot nang may nakita akong bagay na hindi ko inaasahang makita.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon