Chapter 17: 88

62 10 0
                                    



Chapter 17 - 88


Si Lisa Jean Hanias.

Oo. Si Lisa.

Ang aming class president.

Nakidnap siya. Kinidnap daw siya ng isa raw syndicate group.

Ang motibo ay hindi pa rin nakukumpirma ng pulisya.

Samu't-saring bulong ang naririnig ko sa klase. Ang iba ay natutulala. Ang iba ay nanahimik. Ang iba naman ay umiiyak sa isang sulok.

"Guys, could you please shut up?" ani Veronica Ricci, ang aming bise presidente.

Lahat ay tumahimik. Tumayo si Veronica sa unahan namin habang kami ay nakinig na lang sa kaniya.

"It is better if we should not intervene at all means sa pagkawala ni Lisa. Imbes na umiiyak sa tabi, why not pagdasal na lang natin ang kaligtasan niya at move forward?"

Wala sanang nagtatangkang magsalita nang may nagtaaa ng kamay. May kaklase pala akong lalaki na mahilig magsuot ng eye glasses.

"Ano... Veronica, sa tingin mo, sinumpa ba ang school natin?" aniya.

Umani ng iba't-ibang reaksiyon ang kaniyang mga sinabi.

As if naman maging sumpa eh samantalang may mastermind naman talaga.

"Oo nga Veron. Malas ang school natin!"

"Hala! Ibig sabihin nasa peligro din ang buhay natin?"

"Ayoko na mag-aral dito. Magpapatransfer na ako!"

"Hindi ba't dating simbahan at sementeryo ang school natin?"

Nagkagulo na naman ang mga kaklase ko. Mas lumala pa nga eh.

"Did I say shut the hell up?" Veronica said in a cold tone which is entirely enough to tame my wild classmates.

Tunay ngang lider siya.

Nagsalita muli ang bise presidente nang kumalma ang lahat.

"We should not think such superstitious beliefs. Instead, dapat na lang na hayaan ang awtoridad na gawin ang kanilang trabaho..."


Lumingon sa gawi ko si Veronica kaya nagulat ako nang saglit.


"Kaya, mas mabuti na lang kung tayo ay maging kalmado at magdasal."


Kahit tapos nang magsalita si Vetonica, patuloy pa rin ang ingay ng mga kaklase ko.


Patuloy pa rin ang bangayan nila without knowing the truth.


Well, in fact the truth is not yet revealed.


"Okay class, can we stop the commotion here?" bungad ni Miss Anna Alvarez, ang aming homeroom teacher pagkapasok ng classroom.


Humupa na rin ang ingay ng mga kaklase ko nang dumating ang aming homeroom teacher.



"Alam kong shock pa kayo sa balita, pero alam kong hindi rin kayo makakapaniwala sa sasabihin ko ngayon,"panimula ni Miss Anna.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon