Chapter 24: BLUE

33 10 0
                                    


Chapter 24 -BLUE



Hindi ako makakibo. Hindi ako makahinga.



Para bang binuhusan ako ng yelo.



"She has a cute scream, isn't she?" ani ng isang baritonong boses mula sa kabilang linya.



Ang tili na iyun. Hindi ako maaring magkamali.



"Si..no... kayo?" tanging nabulalas ko. "Anong ginagawa niyo sa kaklase ko?"



The man chuckled. "You are her classmate, right? Then, save her. Can you?"



Nangangatog ang aking mga binti. Ano ba dapat kong gawin?



May hinala ako na ang kausap ko ay isang miyembro ng 'Kings'. Anytime, they could kill me.



Naririnig ko sa kabilang linya ang aming class president na sumisigaw.



Oo.


Si Lisa ang tumitili kanina. At ngayon, ayaw niya akong sumunod sa aking kausap ngayon.



Lalo akong nanlambot nang naririnig kong hinahampas ng kung anuman si Lisa. Mas lumakas rin ang kaniyang pag-iyak.



Lalo pa akong nanghina. Bakit... Bakit?



"A...a..no ang d-da..pat kong ga..win?" halos magkautal-utal kong saad.



"Wow. Interested, huh? Then, follow my instructions without fail. And you must not call the police, or else, this girl's life as well as your's will be over."



============================



Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko o hindi. Ngunit nandito ako ngayon sa harapan ng isang abandonadong bahay malapit sa aming paaralan.



Nagawa ko ring makatakas mula sa mansion nang hindi napapansin ng mga nakatira dito.

Diary Secrets [COMPLETED || UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon