Prologue

45.6K 772 132
                                    

"I asked them to bring the prettiest one!" he shouted.

Anger filled me. Sino ba namang hindi maiinis? Tagos na tagos sa'kin 'yong pang-i-insulto niya. Tangina nakakainis!

"For your information, hindi ko ginustong ma-engage sa'yo!! Gusto mo 'yong pinakamaganda sa'min 'di ba? Tawagan mo si Mama at Papa, papuntahin mo sila dito dala si Kyla para kayo ang ikasal!" balik na sigaw ko.

Naku kung hindi ka lang bata, kanina pa kita nasipa bwesit na bulilit ka!

Alam kong hindi ako maganda, at wala akong pakialam! Gusto ko lang umalis sa lugar na 'to, magpakalayo-layo at tapusin ang pag-aaral. Tapos . . . tapos malalaman ko engaged na pala ako noon pa man?! I was beyond shock of course, who wouldn't be! They dragged me here and introduced me to a kid, to a fucking kid! Engage ako sa isang paslit na limang taon ang agwat sa edad ko. I'm twenty-four and this kid is nineteen, and he wants to marry one of us, my sister and I, the prettiest one I must say. Kung gusto niya 'yong pinakamaganda, e di sana si Kyla nalang dinala nila dito 'di ba?! Nakakatangina talaga!

"Call her parents! Ayoko sa kaniya, masyado siyang pangit!" he spat.

"Tarantadong bata ka! Halika dito sasampalin kita!!" gigil na ani ko.

Syempre hindi ko 'yon gagawin, makaksuhan ako ng child abuse duh!

Hinawakan ako ng dalawang body guards niya sa magkabilang braso. Ahay nakakainis!

Siya si Kavius Zachary Cross, isang batang paslit na bilyonaryo. Yes, bilyonaryo! He inherited it from his deceased parents, sa murang edad ay mulat na siya sa reyalidad. Hindi na ako nagtataka na lahat ng gusto nito ay nasusunod, he uses money. May kasunduan ang parents niya at ang parents ko na ma-engage siya sa isa sa aming magkakapatid, tapos gusto niya 'yong pinakamaganda sa'min. Si Kyla nga 'yon! Ka-edad niya pa, nineteen years old. Gago! Gusto ko lang ng matiwasay na buhay! Saan na ba 'yong kutsilyo sasaksakin ko nalang sarili ko.

"Bitawan niyo ako putangina! Hoy bata, gusto mo 'yong mas maganda sa'min 'di ba? Sabihin mo ipadala dito 'yong Kyla, maganda 'yon, blue eyes! Tsaka pareho kayo ng edad!" sigaw ko sa bata na nakaupo sa kaniyang trono.

Feeling hari ampota putangina ka.

"Will you shut the fuck up?!" inis na sigaw niya.

"Hindi! Hindi ako titigil kakasigaw hanggat hindi mo ako binabalik sa'min!! Si Kyla pakasalan mo bata, match made in heaven kayo hula ko! Bukod sa pangit ako, mas matanda pa ako sa'yo ng ilang taon bata! Si Kyla nalang, mamahalin ka no'n ng buong-buo!!" reto ko.

"I don't need your sister's fucking love! Ikulong niyo 'yan sa kwarto niya!" utos niya at napahilot sa sintido.

"Anong kulong?! Hoy kidnapping na 'to! Ano ba, 'wag mo'ko hawakan manong ang baho-baho ng kamay mo eh! Nangolekta ka ba ng basura?" napaatras ako nang maamoy ko ulit ang mabahong amoy nito.

Hinawakan ulit ako nito, this time it was with full force. At dahil isa lang akong petite na babae na akala mo'y underage, nahigit ako nito at halos mapasalampak pa sa sahig.

"Manong naman! Masakit eh!" reklamo ko.

"How dare you fucking touch my wife like that?! Fucking let go you dipshit!" may nakatutok na baril sa gawi namin.

Putangina katapusan ko na ba? Lord, ikaw na bahala kay Fluffy, 'yong alaga kong aso. Tapos Lord, 'yong ipon ko sa bangko, pakibigay nalang sa charity. Baliw ka na, Krema!

"H-hoy bata hindi magandang biro 'yan, ibaba mo 'yan," nanginginig na sabi ko.

Hindi ito natinag at nanatiling nakatutok sa'min ang baril. Naglakad ito palapit na nakatutok parin ang baril sa gawi na'min.

The Great Pretender's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon