Chapter 19

18.9K 307 10
                                    

Nagulat ako nang sabihin ni Kavius na gusto niyang magpatingin sa isang psychiatrist. I am delighted yet sad because he has to experience this.

We looked for a male psychiatrist as per his request. Ayaw niyang may ibang babaeng lumalapit sa kaniya at hindi ko alam kung bakit. It's favorable in my part because I don't want any woman near my husband. Selosa pala ako. Ngayon ko lang din nalaman.

The first and second month of his check ups were pretty good. Accommodating rin ang psychiatrist na nahanap namin. Hindi kami pumupunta sa clinic ng nasabing doctor dahil ito mismo ang dumadalaw sa amin.

"How are you?" salubong niya sa akin paglabas ng kwarto, nakasunod sa kaniya ang doctor.

"I'm good, Kavius."

"Did you miss me?" malambing niyang tanong at hinila ang baywang ko palapit sa kaniya.

"Tumigil ka nga, nandito pa ang doktor mo," sita ko na ikinangisi niya.

"I shall take my leave, Mr. and Mrs. Cross. Babalik na lang ako next week para sa susunod na session natin," ngumiti ang doktor.

"Salamat," tumango ako.

Hinatid namin ang doktor hanggang sa gate ng bahay at tinanaw ang pag-alis nito. Pinugpog ng halik ni Kavius ang aking mukha nang hindi na namin matanaw ang sasakyan ng kaniyang doktor.

"How was it? How do you feel?" tanong ko.

"I feel okay. He praised me for being a good speaker and listener. He praised me, wife, he praised me," tuwang-tuwa niyang sumbong na akala mo'y kinder student na naka-three starts sa school.

"You're doing a great job. I'm proud of you for making it this far. Do you feel good?"

"Yes, Ma'am."

"Let's go and I'll make your favorite dessert as a reward."

"I love you," malambing niya sabi at pinatakan ng halik ang aking ilong.

I can't explain the sparks that I see in his eyes. But he look really happy and light. He feel good and I feel good, too.

"Alright. You stop being too sweet. Let's go."

"Where's my I love you too?"

"Hindi ka pa ba nauumay? Araw-araw kong sinasabi sa 'yo iyan." Tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" he gasped. "Pinagdadamutan mo na ako ngayon? You're rude!"

I rolled my eyes and left him there. Naramdaman ko rin naman agad ang pagsunod niya sa akin. May pabulong bulong pa itong nalalaman, akala mo naman pinagalitan. Nagmamaktol ngunit wala ring magawa.

"Why are you so cruel, wife? Tell me."

"Sit down and I'll make your dessert. And stop nagging about my rudeness, alright, my dear husband?" I leaned in close and dropped a kiss in his forehead. "Sit tight and watch your wife."

Salubong pa rin ang kaniyang kilay ngunit ginawa rin naman ang gusto ko. I made his favorite dessert and when I handed it to him, he immediately dug in and ate it. I can tell that he liked it because he finished it in just a few minutes. Marami pa namang natira pero ang bilis niya kung maubos.

"You liked it that much?"

"I want more," he nodded. "Can I have more?"

"Later, Kavius."

"Okay, wife. I want to eat-"

Hindi na nito natuloy ang sasabihin at tumakbo na papunta sa sink. He puked and I can only tap his back. It lasted for a couple of seconds. Nagmumog siya agad at napatulala na lamang.

The Great Pretender's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon