Final Chapter

19.8K 357 17
                                    

Hello, guys! Ang sabi ko kaunti lang ang chapters nito dahil tamad ako. Ten to fifteen chaps lang sana kaso hindi ko na namalayan na nawili na pala ako sa pagsusulat ng story ni Krema at Kavius. This is the final chapter of their story, epilogue is next. Thank you so much for reaching this far and I hope you enjoyed reading their story!

*****
"Ate! Imaginin mo 'yong gulat ko no'ng tumawag ka! What the hell!" sigaw ni Kyla.

"Huwag kang maingay. Kapag ito nagising malilintikan ka sa 'kin," nguso ko sa baby na ngayon ay hawak-hawak ko.

Hindi ko alam. I was pregnant. Pero walang symptoms. Hindi ko alam kung bakit. Wala rin akong naramdamang kakaiba. Stay at home naman ako kaya hindi ako masyadong gumagalaw. This baby is a blessing and a miracle at the same time.

"And my heart? Iyak kami ng iyak ni Mama kanina sa bahay. We were so surprised. We didn't know. We never knew," dagdag niya.

"I didn't know that I was pregnant, too."

"May napansin naman akong changes sa 'yo pero hindi ko binigyan ng pansin kasi akala ko, ganiyan nga siguro kapag may asawa. Alam mo 'yon, 'yong spoiled na spoiled at inaalagaan ng mabuti," kwento niya. "Napansin ko nga na lumaki ka pero may asawa ka kasi. At given na alagang-alaga ka ni Kuya Kavius, hindi na ako nagtaka na medyo tumaba ka. Pero hindi namin nahalata na lumaki ang tiyan mo."

Ako rin. Maliit lang kasi at kahit ako ay hindi ko napansin. Though, the doctor said the baby was healthy after delivery. Napatingin tuloy ako sa asawa na nakahiga sa ospital bed katabi ng akin. Pagkatapos kong mawalan ng malay ay nawala rin daw ito at hanggang ngayon hindi pa nagigising. When they transferred me in a private room, mas minabuti nilang itabi na lang ang higaan nito sa akin.

The first thing I did when I woke up was find my phone and dialed Kyla's number. Highlights lang ang nasabi ko dahil may aftershock pa rin ako. I told them that I didn't know I was pregnant and that we are at the hospital and I went into delivery. It was a healthy baby boy. Si Kyla ang unang dumating dahil ang Mama at Papa ay bumibili pa ng damit para sa bata. It was a surprise for all of us, lalong-lalo na sa akin na siyang nagbuntis pero hindi alam.

"We're in the same boat. Hindi ko rin talaga alam. At walang symptoms ha. Kaya wala talaga akong clue. Tapos kahapon, kakain na sana kami ng dinner, biglang ayon nga, my water broke. Wala pa talaga akong alam kung anong nangyayari hanggang sa lumabas si baby," ani ko.

"Parang miracle ang nangyari ano? And even though you didn't notice anything, God made sure the baby is not harmed inside you. Nabubuhay si baby sa loob mo ng hindi mo alam. And that's miracle, right? Grabe talaga!"

God is a good God. Hindi niya hinayaang may mangyaring masama sa baby ko. And then it hit me. I'm a Mom now. I'm a Mom at age thirty. I thought I will be at thirty-five or something. Ang surprising talaga ng nangyari. It feels surreal.

Pinakatitigan ko ang mukha ng anak na may ngiti sa aking labi. He's tiny and fragile to hold. Tulog ito kaya malaya kong napagmamasdan. Tulog ito nang ihatid ng doctor kaya hindi ko pa nakikita kung kaninong genes ang nakuha sa parte ng kaniyang mata. Hindi ako naka-exert ng effort at hindi ko naranasan 'yong feeling na buntis. Inosente ako sa lahat ng ito! Though I'm sad for not gaining that experience, I'm still happy because the baby came out alive and well. Ito 'yong literal na butterflies in my stomach. He's really cute and adorable. Hindi ako makapaniwala.

"I can't wait to see Mama and Papa's reaction for their first apo," Kyla murmured.

Nakamasid siya sa baby at hinahaplos ang pisngi nito gamit ang kaniyang hintuturo. His lips were parted.

"And I can't wait for Kavius to wake up," I added.

"Ang cute siguro ng reaction nilang tatlo. May naiisip ka na bang pangalan, Ate?"

The Great Pretender's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon