Chapter 3

26.4K 507 50
                                    

Agad akong napabangon nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Sino ba kasing tangina ang nagbukas ng bintana?

"Anong- bata anong ginawa mo sa 'kin!" sigaw ko.

Sumilip ang mukha ni Cave sa pintuan ng banyo, may bula pa sa ulo. Agad akong napatakip ng kumot nang lumabas ito ng banyo at naglakad palapit sa 'kin. Trip niya bang maging stripper?! Gago!

"Wife, I'm on my boxers. Makatago naman 'to, tsk. Makikita mo rin naman 'to ano bang kinakatakot mo?" mahina niyang tawa.

"Sinong nagbihis sa 'kin?!" pagalit kong tanong, hindi pa rin inaalis ang kumot sa mukha ko.

Napahiyaw ako nang may humablot no'n. Ngayon ay nasa harapan ko na ang makisig na katawan ni Cave. Display na display sa mukha ko ang eight pack abs niya na hindi ko alam kung fake ba o totoo.

"I did. Any problem with that? Asawa naman kita. Buti nga nakapagpigil pa ako kagabi eh. Baka hindi ka na makalakad ngayon kung tinuloy ko 'yong balak ko."

"Display na display ka, Mr. Cross." Nandidiring ani ko.

"Masarap sa mata 'di ba, Mrs. Cross?" malokong tanong niya na ikina-irap ko.

"Ang hangin mo tangina ka! Lumayas ka na sa harap ko. At wala kang karapatang palitan ako ng damit! Pinagsamantalahan mo ang kalasingan ko, hayop ka!" binato ko siya ng unan.

"Asawa nga kita! 'Tsaka nagtakip ako ng mata kagabi, promise. Kasi baka iba magawa ko sa 'yo kapag nakita kita na undergarments lang ang suot."

"Tangina mo!"

"What? That's the entire truth, wife. Plano ko nga gawan ka ng masama kagabi. Kaso lasing ka. Hindi mo mae-enjoy at may possibility pa na makalimutan mo ang nangyari kinaumagahan," kwento niya. "kaya napagdesisyunan ko na ngayon nalang natin gawin. Siguro naman handa na 'yang matres mo 'no?"

Literal na nakanganga lang ako sa mga katangahang lumalabas sa nakakairita niyang bibig. Wala na talagang ginawang tama ang batang 'to! Puro nalang pasakit at galit ang binibigay sa 'kin.

"Tangina mo!" sigaw ko.

"Stop shouting, wife. Reserve mo 'yan mamaya kapag niroromansa na kita."

Tumatawang bumalik ito sa pagligo. Ako naman ay tumayo na sa kama. Pagtingin ko sa side table ay may advil na doon at may post-it-note pa.

Medicine for your hangover, wife. Good morning.

- hubby

Nairita agad ako sa sulat niyang hindi ko maintindihan. Paano ba ako nakauwi kagabi? Ah, tarantado! Siya na naman may kagagawan. Kahit saan talaga may mata ang batang 'yon! Matang Lawin bwesit.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba papunta sa kusina. Sumalubong agad sa 'kin ang mayordoma ni Cave, ang mga cook niya at mga kasambahay na aligaga sa paglilinis.

"Good morning, Ma'am Cream."

"Morning. What's for breakfast?" tanong ko.

"Si Sir Cave daw ho ang magluluto para sa inyo ngayon, Ma'am Cream," sagot nito na ikinakulo na naman ng dugo ko.

"Huwag na! Ako nalang ang magluluto. Baka lagyan niya pa ng gayuma," inis kong saad.

Tumabi naman agad sila at nagsimula na akong magluto. My head is still throbbing. Gumagana naman si advil. Nang matapos ay umakyat ulit ako para kumuha ng damit. Bumaba na naman ako para sa guest room ng mansyon ni Cave maligo. Ayokong sumakay-sakay sa elevator niyang malaki, baka mas lalong magwala ang ugat ko sa utak.

Medyo nahimasmasan na rin naman ako pagkatapos maligo. Simpleng malaking tee shirt lang ni Cave ang suot ko at boxers niya. Wala pala akong damit dito bwesit! Wala akong choice. Alangan namang maghubad ako. No way! Umabot pa nga ang tee shirt niya sa tuhod ko.

"Hm, you look hot wearing my shirt, wife. You should really do that often."

Iyon agad ang salubong ng bipolar na si Cave sa 'kin pagpasok ko sa kusina. Pinasadahan niya ako ng mariing tingin mula ulo hanggang paa. May pa ngisi pa sabay dila sa labi niya. Tangina. Mga manyak nga naman, walang pinipili.

"Proud na proud ka pa talagang bosohan ako," sarkastikong sikmat ko.

"Syempre. Asawa kita eh, akin ka mula ulo hanggang paa. Kahit buhok mo, akin. Lahat ikaw, akin." Ngisi niya.

"Tangina kulang ka ba sa pansin?"

"Kulang sa lambing, mahal. Lambingin mo naman ako. Parati ka nalang galit. Hindi ka pa buntis niyan ah? Paano pa kaya kapag nilagyan ko na ng laman 'yan. E di mas naging triple ang pagsusungit mo sa 'kin."

"Bakit? May reklamo ka?"

"Wala. Sukong-suko ako sa 'yo. Hands up, all yours, baby. Sungitan mo pa ako lalo, Cream. Ramdam ko kasing spesyal ako sa ganoong trato mo."

"Malala ka na, Kavius."

"Ikaw nagluto nito?" turo niya sa nakahaing pagkain.

"Oo, ako. Wala akong tiwala sa 'yo. Baka lagyan mo pa ng gayuma 'yong pagkain ko."

"Paano mo nalaman?" tawa niya.

"Mukha mo pa lang, alam ko na agad."

Hindi naging tahimik ang umaga namin. Inis na inis ako habang kumakain habang si Kavius naman ay puro mapang-asar na ngisi lang ang binibigay sa 'kin.

"Come on, wife. We're going to buy new clothes for you."

Kanina pa niya ako kinukulit sa ganiyan. Ayaw niyang kunin ko sa bahay ang mga gamit ko. Bodyguard niya nalang daw ang kukuha dahil baka hindi na ako sumama pabalik sa kaniya dito. Hah! Buti alam niya. Hindi na talaga. Tangina kasi.

"Magtigil ka nga. Ano? Atat masyado pumunta sa mall?"

"Wife..."

"Trust me, mabubutas lang 'yang pitaka mo kapag dinala mo ako sa mall."

"Kahit bilhin ko pa ang buong mall para sa 'yo, Cream. Halika na kasi!" ungot niya.

Tangina!

"Inisin mo pa ako at ng masaksak kita!"

Humagalpak ito ng tawa at nilapitan ako. Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy nito. Pinapaligo yata ang isang bote ng pabango. Umikot ang braso nito sa bewang ko at hinila ako palapit lalo sa kaniya.

"Ang liit ng bewang mo. Kailangan na talaga kitang buntisin."

"Kilabutan ka nga!"

"Ang ultimate goal ko sa buhay ay ang buntisin ka at magkaroon ng maraming anak sa 'yo. Ayaw mo no'n? Ako na nagi-insist. Pinakagwapo at pinakamakisig."

"Ang kapal ng apog mo, isa ka lang namang pipitsuging bata na iiyak kapag iniwan ko," irap ko.

"Oo! Iiyak talaga ako. Ikaw na 'yan eh. Kapag iniwan mo ako, hahabulin kita. Hindi mo ako matatakasan."

"Bitaw nga! Ang init-init eh!"

"Hindi ako pipitsuging bata! Hindi na nga ako bata eh!" Nalukot ang mukha niya. "Kaya nga kitang anakan ng marami at buhayin. Huwag mo akong tawagin na pipitsuging bata dahil ang batang 'to ay kayang gawin ang lahat para sa 'yo."

"Pakialam ko naman? Mainit, Kavius!"

"Sarap sa tenga kapag binabanggit mo pangalan ko."

"Tangina ka!"

"Sige pa, Mrs. Cross. Lakasan mo pa."

"Sa mall na tayo. Ang ingay mo," kalmadong yaya ko.

"Oh? Naging kalmado bigla?" natatawa niyang tanong.

"Gusto mo talaga kapag namumula ako sa galit 'no?" iritadong tanong ko rin.

"Hindi. Kahit wala ka namang gawin gustong-gusto kita eh."

*****

The Great Pretender's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon