Chapter 2

29K 527 48
                                    

Kinabukasan ay nakatulala ako sa teresa ng kwarto ko. Wala na si Cave nang gumising ako, umalis na daw. Edi good! Ayokong nandito siya! Nag-overthink ako kagabi dahil do'n sa sinabi niya. Bwesit!

"Ate! Uso bumaba, pinapaalala ko lang!" sigaw ni Kyla na nasa baba, naglilinis ng pool.

Hindi naman kami kasing yaman ni Cave para maka-afford ng sandamakmak na kasambahay para maglinis sa buong bahay. Dalawang kasambahay at isang driver lang ang meron kami, naka-assin 'yong isang kasambahay sa paglilinis ng garden at bakuran namin habang 'yong isa naman ay cook at naglilinis sa loob ng bahay. Sa iba pang gawaing bahay tulad ng paghuhugas and such, kami na gumagawa no'n.

"Babain kita diyan Kyla, magdadala ako ng hanger ihahampas ko sa'yo!" sigaw ko pabalik.

Halakhak niya lang ang narinig ko, maya-maya ay tahimik na ulit. Malakas na hangin at huni lang ng ibon ang naririnig ko. Peaceful naman dito sa village namin, maliban nalang kung may mga speacial occasions 'yong mga kapitbahay namin.

"Ate, nandito na si Kuya Cave! Mukhang pagod!" sigaw ni Kyla, literal na sigaw! Punyeta! Tangina bakit nagk-kuya 'to kay Kavius?

Pakialam ko kung pagod siya o hindi? Deserve niya naman 'yan. Kung hindi siya magt-trabaho, saan siya kukuha ng pera para buhayin ang sarili niya? Joke! Kahit pala hindi magtrabaho si Kavius mabubuhay parin siya, sa dami pa naman ng pera niya. Tiba-tiba talaga 'yong magiging asawa niya.

Pota ako pala asawa niya!

"Hey, hindi ka pa daw bumababa? Aren't you hungry?" napalayo ako nang may humalik sa pisngi ko at yumakap sa'kin galing sa likuran.

"Potangina bata! Lumayo ka sa'kin!" sigaw ko.

"Ayaw. I miss you. I love your smell, wife," he sniff.

"Ihuhulog kita dito, seryoso ako!"

He chuckled and step away, a little. Just a little! Nakakabwesit!

"Come on, kumain na tayo sa baba. Hindi ka kumain ng breakfast sabi ng cook niyo," he said as he removed his rolex watch and coat.

In-adjust niya din ang long sleeve niya na natira hanggang sa siko, he even removed the first three button of his sleeve! Pansin na pansin rin ang kumikinang niyang gucci belt, my god! Edi siya na mayaman, wala akong pakialam!

"Ayoko, ikaw nalang," sumimangot ako at iniwan siya sa teresa.

I opened my laptop and started working.
Isa na akong successful business woman at nasa ibang bansa ang main branch ng business ko, France to be exact. Doon ko pinatayo kasi gusto ko lang, walang pakialamanan ng trip. Magtayo ka ng sarili mong business at hindi ako makikialam kung saan mo itatayo. Hindi ako 'yong tipo ng CEO na pirma lang ng pirma ng kung ano-ano, I don't even have my own secretary nor personal assistant. Gano'n ako ka-kuripot. Pero hindi ako kuripot magpa-sweldo ha! Binibigyan ko nga sila ng tip kapag good work sila eh!

"Ano ba 'yang ginagawa mo?" his face leaned forward.

I can smell his scent, infairness mabango. His face was just inches away from mine! Kung may ibang taong makakakita sa pwesto namin ngayon, siguradong iisipin ng taong 'yon na nagyayakapan kami, sakop na sakop ang katawan ko dahil sa malaki niyang katawan!

"Nice cleavage," he whispered and planted a kiss on my earlobe

Bastos! Napatingin ako sa suot ko, malaking T-shirt na may print ng mukha ni Gaara ng Naruto. At dahil mukha siyang naka-back hug sa'kin, nakikita niya galing sa tabi ng mukha ko ang cleavage ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero medyo may kalakihan ang hinaharap ko, medyo lang!

"Diyan ka na nga!"

Nagdadabog na pinatay ko ang laptop ko at lumabas ng kwarto. Gigil na gigil ako sa batang 'yon! My God! Wala pa akong isang linggo dito pero stressed na agad ako.

The Great Pretender's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon