Epilogue

20.2K 363 60
                                    

Nakatalukbong ako ng jacket at hawak ko naman ang baby. Kavius is holding an umbrella next to me while we are on our way to the coaster. I've spent weeks in the hospital because they were running some tests about the baby. Gusto naming ipa-check ng mabuti ang baby dahil baka may complications ito during the pregnancy. Mabuti't wala naman.

Nang makapasok ay natagpuan ko si Kyla sa unahang bahagi ng coaster at naglalagay ng make up.

"May lakad ka?" tanong ko agad, sa aking tabi ay umupo si Kavius.

"Idadaan niyo ako sa airport," sagot niya.

"Huh? Bakit?"

"Flight namin ng mga kaibigan ko papuntang Thailand."

I made a sarcastic expression. "At ano na namang sasabihin ng immigration officer sa inyo niyan?"

"Kayo na naman? Saan na naman kayo gagala?" sagot niya habang tumatawa, tuwang-tuwa pa sa kagagahan.

Panay ang lipad nito sa ibang bansa kasama ang dalawang kaibigan. Kapag umuuwi ay sa bahay nina Mama tutuloy. Mayroon rin naman siyang sariling tirahan pero kadalasan ay nasa bahay talaga siya. Kaya ang kasama na lang ng Mama at Papa  ay si Fluffy tuwing out of the country siya. Sa ngayon, ang kasama ni Mama at Papa ay si Fluffy at iyong mga kuting na naiwan ko doon. Noon plano kong iuwi, pero sa tuwing wala si Kyla ay naaawa naman ako dahil wala silang ibang libangan doon.

Ngayon ay mukhang dadalas ang pagbisita ng dalawa sa amin dahil sa kanilang apo. It would be nice, too. And Kavius is happy about it.

"Mag-iingat ka doon," paalala ko. "Kailan ka uuwi?"

"Ate, hindi na ako bata," sa halip ay maktol nito.

"I know, okay? I'm just reminding you. Kailan ka uuwi?"

"Two to three weeks kami doon."

"Alright. Need some cash? Or I can wire money to your account."

Ewan ko ba. Alam ko namang maraming pera itong kapatid ko pero tinatanong ko pa rin ang bagay na iyon. I mean if she'd want my money then I'll give it to her. She's independent as well.

"I'm all good. Naka-black card 'to baka akala mo," pagmamalaki niya.

"Sige na. Mag-ingat ka do'n. Text or call me if you need something."

"Alright. Bye, Ate! Bye, Kuya! Bye, little Zane."

Hinalikan pa nito ang noo ng aking anak bago hinawakan ang bagahe. We watched as she enters the airport. Dumiretso na rin kami pauwi matapos iyon.

"Tired?" Kavius asked using his husky bed voice. "You can rest. I'll look over Zane while you rest."

"Hindi ka rin ba napagod? How's work? You never left my side since we went to the hospital."

Inayos ko ang baby sa crib nito na kulay puti. Ginamit namin ang isang kwarto ng bahay at ginawang nursery. Katabi lamang ng kwarto namin.

"Work is fine. Zane's a real miracle. The business is growing fast eversince we have him. Thank you."

Humilig ako sa kaniya habang nakatingin sa anak namin na tulog.

"Why are you thanking me? Dalawa tayong gumawa sa kaniya. Thank you, too, for donating your sperm," I chuckled.

"Sinong kamukha?" bulong niya.

Hinalikan niya ng paulit-ulit ang aking balikat papunta sa leeg. He wrapped his huge arms around my waist and pulled me even closer.

"Hindi pa natin alam. Tignan natin paglaki."

"What if he look more like me?"

"Then we'll have a little version of you. And if he has my features, then we'll have a little version of me," I answered. "But I believe he'll have both our features."

The Great Pretender's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon