SUGAR DADEHHH KO SA RPW YUNG MORTAL KONG KAAWAY NA LINTEK NAMING PRESIDENT!
***
Halos makipagkarerahan na ako at makipagbalyahan sa pilahan para lang mauna sa pagpila rito sa canteen.
Gutom na gutom na kasi ako kanina pa!!!
At feeling ko 'eh anumang oras 'lalamunin ko na ang lahat ng haharang sa daraan ko!
Pero habang namimili ako ng bibilhing lunch meal sa menu ng canteen 'eh agad na naagaw ang atensyon ko sa baritong boses na nagsalita mula sa likod...
" Baka gusto mong bilisan?!" medyo badtrip 'ata ang isang ito at ganito ka-atat!
" Wait your turn." sita ko ng hindi man lang siya nililingon. Busy pa kasi ako kung yung adobo ba o yung menudo ang pipiliin ko.
Haysstttt!!!!
Parehas kasi silang mukhang masarap!!!
Ang hirap mamili!!!!
Kaya para hindi na ako mahirapan 'eh nagdesisyon akong dalawa na lang ang bilhin. Bumaling agad ako kay Ateng tindera. In-order ko yung dalawang ulam na yun at agad na nagbayad.
" Tsk! Ang bagal naman!" muli nitong pagrereklamo. Pumitik tuloy yung sintido ko dahil roon 'kaya agad ko siyang binalingan.
" Problema mo na yun. Edi sana 'maaga kang pumila rito! Tsaka huwag ka sa akin magreklamo, YUN! DOON ka kay ateng tindera magsabi!!!!" napipika kong sansal sa kanya.
Dahil sa sobra kong kadaldalan 'eh doon ko lang napansin na si...PRESIDENT RIZZ pala ito?!!!
Jusmeeee?!!!
At talagang nanandya pa si Kapalaran para mas lalong mag-init ang ulo ko sa isang 'toh!
" Tapang 'ha?! Ang lakas ng loob mong sagot-sagutin ako!" hindi niya makapaniwalang saad habang nakapamaywang pa.
Ayyy!!!
Feeling batas?!!!
" FYI, sino ka bang hinayupak ka?! Huwag mo kong simulan dahil baka mag-accelarate 'yang ulo mo sa gitna ng pacific ocean 'kapag hindi ako nakapagtimpi!" babala kong paalala sa kanya. Muli kong ibinalik ang atensyon ko kay Ateng tindera na mukhang hindi makasingit dahil sa bangayan namin ng lintek na hudas na presidenteng 'toh!
Apaka-feeling!!!!
Kaya lang naman 'nanalo dahil anak ng may ari ng school riro tsaka tatlong boto lang naman yung nilamang niya sa akin. Kalaban ko kasi siya nung eleksyon sa pagka-pangulo kaya lang natalo ako!!!
Bwesit kasi!!!
Ako sana yung nasa posisyon na yun 'eh!
Inabot ko kay Ate yung bayad ko kalakip nun ang pagbigay niya sa akin ng Order kong pagkain. Pasimple kong inirapan 'tong pabibong President bago nagpatuloy sa paggalaw pero sinadya kong bagalan yung kilos para mas lalo ko siyang mainis...
" ARGHHHHH!!! BILISAN MO NGA!" pahiyaw nitong pagmamadali sa akin.
" Ooppsss!!! Andyan ka pala? Akala ko kasi poste?! Tabi nga! Nakaharang ka 'eh!" at binangga ko yung kaliwang braso niya bago ko siya nilagpasan.
Humanap na muna ako ng kakainang lugar dahil masyadong maraming tao sa canteen pati na rin sa area kung saan may mga lamesa at upuan na pwedeng kainan. Absent kasi ngayon si Hera (kaibigan ko.) dahil may emergency raw sa probinsya nila kaya, mag-isa ako ngayong kumakain.
Hindi ko rin kasi masyadong kaibigan yung mga kaklase ko dahil mas pabor sila kay Rizz. By the way, he's my classmate too. Pati rin sa academic, magkalaban kami at nag-aagawan sa posisyon ng pagiging top one sa klase.

YOU ARE READING
SEXTASY FILES 1
Cerita PendekThis is just ONE SHORT STORY!!!! Worked of: @binibining_mac_lyn/maliciousness_ink