" GUSTO MO BANG TIKMAN TONG TAHONG KO?" ALOK KO SA BAGONG POGI NAMING KAPITBAHAY
***
Gumugulong-gulong akong nakahilata sa kama ko at walang magawa kundi panay lang ang pag-scroll up and down rito sa cellphone ko. Tinatamad pa kasi akong bumangon kaya heto, hihilata na lang muna ako...
" JEEEEEENNNNNAAAAAA!!!!!" kasabay ng pagsigaw na tinig na yun ni Mama 'ay sabay rin ng pagkahulog ng cellphone ko at tumama sa ilong ko!
Tangn*!
Ang shekeeettttt!!!!
Hawak-hawak ko ang ilong kong natamaan at minamasahe itong bumangon rito sa hinihigaan ko. Nagmamadali rin akong nag-tsinelas dahil sa ilang ulit na paghihiyaw na ginagawa ni Mama...
" ANO?! KAILAN MO BA BALAK BUMANGON DYAN?! DAIG MO PA ANG GISING MAYAMAN 'HA?! TUMILAOK NA LAHAT-LAHAT NG MANOK NG TATAY MO 'EH NANDYAN KA PA RIN SA KAMA MO AT NAGBIBILANG NG BUTIKI SA KISAME!"
Hayysssttt!!!!!!!
Umaga kay sermon na naman!
" Ma, nandito na nga po ako 'eh!" napapakamot-ulo kong salubong sa kanya sa kusina.
" KUNG HINDI PA AKO MAGBUBUNGANGA, HINDI PA HIHIWALAY 'YANG KATAWAN MO SA HIGAAN! ANO NA LANG KAYA ANG MANGYAYARI SAYONG BATA KA KUNG MAWALA AKO?!"—mama.
Huh?
Aalis si Mama?
" Saan ka naman pupunta, Ma? Pwede naman siguro akong sumama sayo diba?" naguguluhan kong tanong.
" PUNYETA!!!! BAKIT BA AKO BINAYAYAAN NG ANAK NA TAMAD TAPOS 'MAHINA PA ANG TAKBO NG UTAK?!" namomoblemang sigaw ni Mama habang naniningkit mata itong nagpipigil sa inis.
Tumatakbo ba ang utak?
Saan naman magpupunta yung utak kung sakaling tumakbo ito?
Tsk!
Si Mama sobrang napa-praning na naman!
Nakuuuu pooooo!!!!
Hindi ko na lang siya pinansin at naupo na lang ako sa hapag-kainan. May mga rekados na nakalatag roon at mukhang kailangan pang-hiwain.
At para hindi ako mapag-initan nitong si Mama, edi nagbida-bida ako sa panini-obra ng mga gulay rito. Hiniwa ko ito base sa katamtamang laki at binalatan pa ang mga naglalakihang gulay kailangan pang-balatan.
Hindi ko alam kung ilang minuto o baka pa nga oras ang nilagi ko rito sa lamesa. Birthday kasi ngayon ni Bella, Isa sa mga kapatid kong manok. Nanalo rin kasi ito sa sabungan kahapon kaya ise-celebrate namin.
Mabuti na lang talaga at nagwagi siya!
Dahil kung hindi, baka isa na rin siya sa mga sahog na iluluto ngayon!
" Nak, mautusan ka nga kita sa palengke." kapapasok palang na pagtabi sa akin ni Papa habang karga-karga si Bella.
Eh?!
Bakit ako?!
Bakit hindi na lang si Bella?!
" Papabili sana ako sayo ng Isang kilong tahong 'eh kung ayos lang? Darating kasi ang mga ninong nitong si Bella at may balak na mag-inuman." naglalambing na pag-abot sa akin ni Papa ng Limang daang piso.
Yung mga ninong na tinutukoy ni Papa 'eh yung mga kasamahan at kapwa sabungero niyang mga tropa!
Wala naman akong magawa kundi tanggapin yung 500. Nagpa-alam ako kay Mama na aalis lang muna at sinabi ang pakay ko pero bago ako lumabas, umakyat muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit at magpa-ganda ng konti...
YOU ARE READING
SEXTASY FILES 1
Storie breviThis is just ONE SHORT STORY!!!! Worked of: @binibining_mac_lyn/maliciousness_ink