GLOW IN THE DARK CONDOM ANG BIRTHDAY GIFT KO KAY CRUSH!!!
∆∆∆∆∆∆∆
Ano ba naman 'toh!
Konti na lang talaga at ihahagis ko na ito kapag na-badtrip ako. Kasalukuyan kasi ako ngayong nagbubuhol ng ribbon para sa desenyo nitong kahon na gagamitin kong pambalot sa ireregalo ko kay Sevasty...
KYAHHHH—Excited na ako!!!!
Birthday na niya kasi sa makalawa kaya todo-effort nang ganito ang Lola niyo!
Syempre, kailangan ko siyang bigyan ng regalo 'noh! Palalab ko yun kaya dapat maganda at presentable ang ibibigay ko.
Pero mas nauna ko ng ihanda 'tong kahon na paglalagyan ko kaysa sa ibibigay kong bagay. Kasi hanggang ngayon, nag-iisip pa rin ako kung ano nga bang magandang ibigay.
Gusto ko rin kasi yung unique at memorable kapag natanggap niya. Yung kapag nakita niya 'eh ako agad ang maaalala niya—ganun!
Haysstttt!!!
Ang hirap palang mag-isip lalo na kung wala kang isip!
Nakakailang scroll up and down na rin ako sa mga online shopping site pero wala akong mapusuang bagay na nararapat. Pinapakiramdaman ko muna kasi para mas sulit at wala akong pagsisisihan sa ending...
" Nak, Chellie..." katok na tawag ni Mama sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Tumalima naman ako at pinagbuksan ito ng pinto.
" Bakit, Ma? May ipag-uutos ka ba?" inunahan ko na siya.
Hindi naman niya ako guguluhin sa lungga ko kung wala itong kailangan o sasabihing importante.
" Nak, utusan sana kita. Paki-bili mo naman ako ng napkin 'dyan sa malapit na grocery." paawa-effect pa ni Mama gamit ang mapupungay niyang mga mata.
Sabi na nga ba 'eh.
Ano pa nga bang magagawa ko?
Edi ang sumunod, lalo na't may buwanang dalaw 'tong si Mama. Paniguradong makakakita ako ng mabangis na tigre kapag hindi ako sumunod!
Dali-dali kong kinuha ang tsinelas ko at lumabas na kwarto matapos i-abot ni Mama yung perang pambili niya. Pero syempre, nagdala rin ako ng pera ko.
Baka magkulang kasi itong inabot ni Mama at may baka rin bigla akong mag-crave nang kung anong pagkain sa grocery na pupuntahan ko. Mas mabuti ng handa at may dala 'noh! Para hindi na pabalik-balik.
—
—
—
—
—∆∆∆∆∆∆∆
At the grocery store...
Habang ninilibot ko ang mga mata ko sa kakahanap ng brand ng napkin ni Mama 'eh sakto namang napadaan ako sa men's area.
Kung ano-anong mga product ang naka-displayed roon. May pang-shave, brief, deodorant, at... CONDOMS?!!
Huh?
Ngayon lang ako naka-encounter ng ganitong product 'ha. Sinuri kong mabuti at mas lalong naguluhan dahil sa description na nakalagay sa likod nito.
Bukod kasi sa English ang ginamit na lenggwahe 'eh may Chinese, Japanese, Korean, at Arabic pa!
Oh diba?!
Wala man lang Tagalog!
Tapos may nalalalaman pang-flavoring!
Ano ba talaga ito?!
Candy na para sa mga lalaki lang?
" Miss, ok ka lang?" napabaling ako sa isang staff na nag-unloading at taga-diaplay ng product sa likuran ko. Napansin siguro nito na kanina pa ako nahihirapang intindihin 'tong tinitinda nila.

YOU ARE READING
SEXTASY FILES 1
Historia CortaThis is just ONE SHORT STORY!!!! Worked of: @binibining_mac_lyn/maliciousness_ink