YUNG NAGPUNTA KA LANG NG LIGA PARA SANA ASARIN LANG YUNG EX MO PERO BIGLA KANG HINALIKAN NG POGING CAMPUS CRUSH NG SCHOOL!!!!
***
It's hectic Monday na naman ang araw ko. Bukod kasi sa nagkanda-buhol-buhol na parang sinulid yung schedule ko dahil hindi ko naayos yung planner ko for this day 'eh nakisabay pa sa pag-imbyerna sa akin 'tong si Ollyiastine...
" Ano na, Vien? You promised 'diba nga?" may bahid ng tampong pagkausap ngayon sa akin ni Olly. Pasimpleng ngiwi lang ako habang sinisimpatya ang planner ko.
Inaya kasi ako nitong nakaraang araw na manood ng Liga doon sa court ng school para raw i-cheer yung kumag niyang boyfriend na tropa ko rin. Kaya lang tumanggi ako at nangakong ngayon Monday na lang sana kami manood—pero hindi pala ako pwede!
Kasi ngayon yung usapan namin nung ka-partner ko sa thesis project ko sa science na si Mela. Balak kasi naming magpunta sa isang library ngayon para kumuha ng ideya at makahanap ng mapagkakatiwalaang source sa ipapasa namin...
" Olly, pwede pass muna ako. Kasi... May kailangan akong gawin."
" Luh?! Nangako ka 'eh! Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang salitang pangako diba? Please lang! Alam mo rin na may trust issue na ako kaya huwag mong dagdag!" nag-uuyam niyang pangungunsensya sa akin.
Haysstttttt!!!!
Ano ba 'to!!!!
Wala akong nagawa kundi ang dakutin Ang cellphone sa bulsa ng bag pack ko. Dali-dali akong nag-type at nag-send ng messenge kay Mela para sabihing bukas na lang namin ituloy yung meeting 'keneme namin sa science.
Kinabahan pa nga ako nung una kasi akala ko maasar o magagalit siya pero pumayag rin ito. May importante rin raw kasi siyang kikitain at balak rin raw sana niyang ma-chat kaya lang naunahan ko na siya. Kahit papaano 'eh nakahinga ako ng maluwag...
" Tsk! May pogi ba roon?" balik atensyon kong pukaw kay Olly na todo sa pag-ngiti.
" Oo, si Hector! Yung ex-boyfriend mo." pang-aasar niya bago ako hinila patayo.
" Ewwww!!! Yun, pogi?! Paulit-ulit ko nga tinatanong sarili ko kung bakit ko 'yun pinatulan 'eh." tukoy ko roon at nagpatangay na lang sa kanya kung saan kami pupunta.
" Wews? Talaga? Baka may feeling pa?" natatawang pagbibigay nito ng konklusyon. Binatukan ko nga ang 'gaga para maalog ang utak.
Although, wala namang issue na sa akin kung naroon nga si Hector kaya lang syempre 'dahil sa past na nangyari sa amin 'eh hindi talaga maiwasang matukso ako nitong si Olly 'na kinasanayan ko na rin...
" Wala na 'no! Pero sige, puntahan na rin natin para asarin ko." ngiti-ngiti kong sagot.
Mabwesit nga yun!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_Kanya-kanyang cheer at hiyawan ang unang sumalubong pareho sa tenga namin nitong si Olly habang papasok ng loob ng court. Medyo mainit rin ng mga oras na ito kaya hindi talaga maiwasang magkanda-halo-halo na ang amoy ng mga taong narito...
Amoy pawis!
Amoy kanya-kanyang pabango na Akala mo 'eh ginawang pampaligo!
At ang matindi sa lahat—AMOY NG MGA NAKALIMOT SA TAWAS!!!!
Juskoooo!!!!

YOU ARE READING
SEXTASY FILES 1
ContoThis is just ONE SHORT STORY!!!! Worked of: @binibining_mac_lyn/maliciousness_ink