"Magpapalarong pambansa ako!"

That's what he shouted the moment I answered his call. He was soaking in sweat, it was as if he haven't rested after the game. I could also hear from the screen how he ran out of breath, and how he tried his best to recover from it.

"I'm so proud you." I could no longer recall how many times I've said that to him within this week.

"Sana all may bebeng kinakausap after maglaro!" sigaw ni Mateo na ngayon ay nakaakbay na kay Esteban at nakikitingin sa screen. "Hello, Gianna."

"Weh hindi naman 'yan 'yung kausap mo kanina, e," sinimulan ni Roshaun ang pang-aasar. "Kung ako sa'yo iwan mo na 'tong kumag na 'to. Marami kayo, gagi."

"Tangina mo, Roshaun. Kapag hindi marunong kumausap ng babae dapat nananahimik, ha?" inirapan siya ni Esteban.

Nakangiti na siya nang ibaling niya sa'kin ang atensyon niya. Tinignan niya pa ako ng ilang segundo bago magsalita.

"Kamusta ka naman? Sorry ah, hindi kita masyadong nakakausap lately..."

I had no idea why he was apologizing in the first place. Despite his busy schedule because of basketball trainings and having a leisure time through playing computer games, he still managed to give me time, even though it's unnecessary.

"I'm fine," I casually answered. "Wala naman akong ibang pinagkakaabalahan bukod sa moving up practice."

"Hala, oo nga! Mag-momoving up nga pala tayo, 'no?" napakagat siya sa labi niya.

Tumawa ako. "Nakalimutan mo?"

Natawa na lang din siya. "Omsim. Nawala sa isip ko."

Kahit na wala kaming moving up rehearsal, pumupunta pa rin ako sa school for the sake na bigyan ako ng allowance ng parents ko. Masaya naman kasi roon. Nakakasama ko 'yung mga kaibigan ko at nakakatawa ako nang malakas dahil sa mga biruan namin. Hindi kagaya sa bahay na palagi lang akong mag-isa sa kwarto ko. Nakakainip.

Hindi lang naman ako naiinip sa bahay kapag kausap ako ni Esteban...

Kasabay ko si Zianne pumasok sa school namin. Nag-book kami ng Grab dahil walang maghahatid sa'min. 'Yung mga Kuya kasi namin ay nauna na.

"Alam mo, hindi ko pa rin talaga makalimutan 'yung lalakeng na-meet natin sa SoKor noong February," biglang sabi niya habang hinahatid kami ng Grab rider sa school.

Binigyan ko pa ng ilang segundo 'yung sarili ko para alalahanin kung sino 'yung tinutukoy niya. "Ah! Si Bae Ye Jun!" napapalakpak ako nang maalala ko. "Ikaw ha... Bakit 'di mo siya makalimutan?!"

"My experience with him seemed like a one night stand, but there's no romantic or sexual engagement involved. It was pure platonic and meaningful conversations," she described. "I so want him to be my best friend. Ang tali-talino niya."

Tinignan ko siya nang masama. "Bakit best friend lang?!"

Natawa na lang siya sa reklamo ko. Hindi kami nagpababa sa mismong harap ng school dahil ililibre pa ako ni Zianne ng kape mula sa Tim Hortons. Sinabi ko kasi na gusto kong mag-kape, tapos bigla niya akong in-offeran na ilibre niya raw ako.

She was indeed the best. Talk about the kindest, most intelligent, most understanding best friend... It's all Zianne Jaci Luz!

I've never seen her mad. I wonder how she manages her anger, or if she had even felt it. Palagi kasi siyang mukhang maamo na hindi nagagalit. Wala rin kasi siyang nakukuwento sa'kin na kinagagalitan niya. Kapag magkaaway sila ng ex niya, hindi rin naman siya nagagalit. Pinakikinggan niya lang 'yung pinanggagalingan noong tao, tapos okay na ulit sila.

Lipad-Alapaap (Girlhood Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon