"Alam mo, bagay sa'yo mag-TikTok. Alam mo ba 'yung mga influencer do'n na gumagawa ng mga day in my life content? Nakikita talaga kitang ginagawa 'yon..."
Nag-iiscroll si Esteban sa phone niya nang sabihin niya iyon. Magkatawagan na naman kami sa Discord. Nagpapahinga siya dahil galing siya sa training, habang ako naman ay gumagawa ng assignment sa English habang water break. Nagpapractice kasi kami ng sayaw para sa prom. 'Yung assignment naman, bukas na ang pasahan.
"Hindi ko alam 'yon. Hindi naman ako nag-TitikTok..."
That app was drawing me back for some reasons. I swear to myself that no matter how bored I get, no one would ever see me doing some stupid video on that app.
"But I do hope you'll give it a try."
Itinigil ko ang pagsusulat ng assignment at tumingin sa kaniya sa screen. "Esteban, no matter how hard life gets, hinding hindi mo ako makikitang nasa TikTok." sarkastiko akong ngumiti at saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Mag-download ka na lang! Panuorin mo mga Tiktok ko..."
Nakaupo siya sa isang bench, ang kaniyang mukha at leeg ay pawis na pawis. Suot-suot niya 'yung jersey niya. Marahil ay water break nila sa training ng basketball. Malapit na raw kasi 'yung CLRAA nila kaya wala silang ginawa kung hindi mag-training.
Nakaramdam ng init 'yung puso ko nang mapagtanto kong sa'kin niya ibinaling 'yung atensyon niya imbis na magpahinga kasama 'yung mga teammates niya. Kasunod no'n ay ang dagliang pagdapo ng mga paru-paro sa aking tiyan. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong 'wag ngumiti.
"Okay, I will." I smiled.
As I was waiting for my Tiktok to be downloaded on my phone, I watched the videos he sent me on Messenger. It was him, dancing on Tiktok trends. This guy could actually dance well. The way he moved his body from one step to another was so graceful.
"Sana all magaling sumayaw!" sabi ko pagkatapos kong panuorin 'yung mga sinend niya.
"Ikaw nga sayaw ka rin." tumawa siya.
Tumawa rin ako. "Teh, hindi nga ako sumasayaw!"
"May isesend ako sa'yong Tiktok, gawin mo."
"Ayokong mag-Tiktok." natatawa pa rin ako.
"Hindi mo naman i-uupload, e. Sa'kin mo lang ipapakita. Dali na..." his voice was sweet as he said those words.
Sakto naman na pinababalik na ulit kami sa aming mga pwesto para ipagpatuloy ang pag-eensayo. Nagpaalam na ako kay Esteban na mamaya na lang kami ulit mag-usap dahil may mga kailangan din kaming gawin.
"Grabe talaga epekto ng internet love, bigla-bigla na lang talagang napapangiti," puna ni Allison nang makita niya ako.
Lalo naman lumawak 'yung ngiti ko, na pakiramdam ko ay mapupunit na 'yung magkabila kong pisngi. Sakto naman na napabaling ako sa bintana kung saan nakita ko ang aking repleksyon, napansin kong wala na rin akong mga mata dahil sa sobrang pag-ngiti.
"Lintik na pag-ibig..." Jennie hummed.
Allison and I both laughed to our stomach. Partly was because of the lyrics, and the rest was because of how bad Jennie is as a singer. If I wasn't familiar with the song, I wouldn't recognize it. She sang those words out of tune.
After school hours, Zianne and I went to a boutique to try on our gowns for the prom. Mine was a renaissance-inspired ball gown that I partnered with an enchanting hat; both of them were coated in maroon. I looked at my reflection through the wide mirror in the dressing room. I looked like a princess from a royal family. A genuine smile formed on my lips as I thought of it.
BINABASA MO ANG
Lipad-Alapaap (Girlhood Series #3)
Novela JuvenilGianna Rossi, an aspiring pilot, a college YouTuber, and a lifestyle influencer, is the woman that every youth looks up to. She leaves sparkles wherever she goes, and the way she turns her wisdom into words is indeed hypnotizing - as if you have no...