17

5 0 0
                                    

"Badtrip, wala na akong kasamang Roshaun, Bryson, at Mateo."

Nagkukuwento lang si Esteban sa akin ngayon tungkol sa unang araw niya sa senior high habang nasa Discord kami. Nabanggit niya rin na nagkaayos din sila ni Roshaun pagkatapos noong nangyari. Medyo nahirapan daw sila mag-ayos dahil hindi marunong magpatalo si Roshaun. Ayon kay Esteban, inintindi na lang niya kaysa masira ang pagkakaibigan nila.

Hindi ako naniniwala sa sinabi niyang hindi marunong tumanggap ng pagkatalo ang kaibigan niya. Kahit ilang beses ko pa lang siyang nakakasama, nakakasiguro akong kaya gano'n iyon ay dahil alam niyang siya ang nasa tama. Alam ko sa sarili ko kung sino ang mali, at kahit na ganoon, nanatili akong tahimik. Masyadong mapayapa ang mga nagiging araw ko ngayon para masira sa pagbabahagi ng naiisip ko.

"Sino na mga friends mo ngayon?"

May sumibol agad na ngiti sa mga labi niya pagkatanong ko no'n. "Puro mga babae kaibigan ko ngayon kasi puro babae mga kaklase ko. Pero ang pinakaclose ko sa ngayon ay sina Cherry at Olivia."

"May picture ka kasama sila?" kuryosong tanong ko.

"Oo naman!" his face brightened, like it was his favorite topic to talk about. "'Yung nasa kanan ko, si Cherry. Si Olivia naman 'yung nasa kabila."

I stared at their picture for quite a long time. Cherry was not smiling, but she was beautiful, nonetheless. Her arms were crossed in front of her chest as she looked boldly into the camera. Olivia, on the other hand, was grinning from ear to ear and her arm was around Esteban's shoulder.

Their faces were so close to each other, I immediately felt a thunder of anger. Napairap na lang ako sa nakita ko.

"Bakit naman dikit na dikit sa'yo 'yung Olivia?" I did not have the energy to assess if my voice slipped with a hint of irritation.

Masyado akong naiinis! Hindi naman ako basta-basta nakakaramdam ng inis kapag may malapit sa lalaking mahal ko, pero iba talaga pakiramdam ko sa Olivia na 'yan.

"Pati ba naman si Olivia pagseselosan mo?" may halong inis sa boses niya kahit natatawa siya.

"Nagtatanong lang ako bakit masyado siyang dikit na dikit sa'yo."

"Bawal?" tanong niya, natatawa pa rin. "Kaibigan ko lang 'yan, Gianna. Ganyan lang din talaga siya, clingy."

I sighed out of exasperation. I did not speak after that because if I did, then I would only face another argument with him again. I no longer cared that much if my peace of mind was being compromised, as things would only get worse if I opened up about my thoughts or feelings. They were like a trigger for Esteban to ignite in anger.

"Alam mo, medyo inaantok na ako." pagsisinungaling ko dahil hindi ko kayang makipagplastikan sa kaniya.

"Huh? Aga mo naman matutulog ngayon," aniya habang abalang mag-tipa sa keyboard niya. "Ay, nag-aaya si Olivia mag-valorant. Sige, matulog ka na, maglalaro na kami."

Lalo akong nabwisit. Halos kumawala na mula sa dibdib ko 'yung puso ko sa galit. But I mentally told myself to never say anything, otherwise I wouldn't be at peace tonight.

Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago magsalita. "Ah, gano'n ba? Sige, pipilitin ko na lang matulog."

"Kung hindi ka pa makatulog, manood ka na lang ng live namin. Mag-lilive ako sa Facebook."

Tumango ako. "Sige, good night."

"Good night, Gianna. Love you."

"Love you too."

Kinabukasan, nag-uusok ang ilong ko habang nakipagkita kay Allison. Nasa Siargao pa rin kasi si Jennie kaya hindi pa namin makasama.

"Hindi ata maganda mood ni bading ngayon. May aawayin ba tayo?" iyon agad ang bungad niya sa'kin nang magkasama kami.

Lipad-Alapaap (Girlhood Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon