"Pupuwede na ba namin malaman kung bakit ka umiiyak kagabi?"
Ayan agad ang tanong na iginawad sa'kin ni Daddy nang maupo ako sa hapag para kumain ng umagahan. Wala naman silang ginagawang kahit ano, ngunit sa simpleng tanong na 'yon ay umaagos na naman ang luha mula sa mga mata ko. May kung anong mainit na biglang dumapo sa puso ko kaya ako nagiging emosyonal.
Tumutulo pa rin ang mga ito habang sumusubo at ngumunguya ako ng karne. Muntikan pa akong mabulunan gawa ng mga hikbi ko. Agad naman akong kinuhaan ni Kuya ng isang baso ng tubig.
"Gigi, 'wag kang magkukuwento sa'min kung hindi mo kaya, ha?" malambing na paalala niya pagkatapos ako bigyan ng tubig. "Mommy, daddy, hayaan niyo siyang umiyak. Magkukuwento rin 'yan kapag ready na."
"Gusto ko sana malaman kung sinong nagpaiyak d'yan, para alam ko kung sino ipapakulong ko." nagkibit-balikat si Daddy bago ituloy ang pagkain.
"At huwag ko lang din malaman na lalake 'yan! Naknampucha, ang ganda ganda mo ta's paiiyakin ka ng lalaki? Malaki ba tite niyan? Baka 'di pa tuli 'yan!" reklamo ni Mommy.
Mabilis ang pagsaway sa kaniya ni Daddy dahil sa mga sinabi niya. Inirapan niya lang ang asawa at ipinagpatuloy ang pag-kain. Normally, in this scenario, I would laugh my ass out. However, my heart was too painful to feel any type of happiness. My body was exhausted from crying, it did not have any energy to produce laughter.
Pagkatapos namin kumain ng umagahan, inabot na muli sa'kin ni Mommy 'yung mga card kong kinumpiska niya. Dinagdagan niya ito ng 50,000 na cash. Sumaya ang puso ko mula sa nangyari, kaso lang ay hindi ako makangiti. Masyadong lumalalamang 'yung lungkot na nasa sistema ko kaya kahit anong gawin ng mga taong nakapaligid sa'kin, ang tanging tugon ko ay umiyak.
"Bilhin mo lahat ng gusto mo," utos ni Mommy pagkatapos abutin ang mga iyon. "Itong credit card na ibibigay ko sa'yo, isang milyon ang limit niyan. Pupuwede mong sagarin, pero hindi na namin babayaran ang flight school mo kung mag-pipiloto ka."
Nag-presenta ang kapatid ko na samahan ako kung saan ko man gustong pumunta, kaso ay nasabihan ko na sina Jennie at Alli na samahan ako ngayon sa Greenbelt. I had been eyeing for that one Prada bag, and I think this would be the right time to buy it.
"Bakit naman for the puffy eyes ka today, bakla?" bungad ni Allison sa'kin nang makasakay ako sa kotse ni Jennie.
It was only the three of us today. Jennie was the one driving since she just got her driver's license. She was only 17, and she probably pulled some strings to get that. This friend of mine was living in a complete irony; she was against corruption and those government officials who exploit their power but she practices corruption in her own little ways.
"Tatawanan kita kung dahil 'yan sa lalake," pang-aasar ni Jennie habang nagmamaneho.
"Huy, isa ka pang bakla ka! Wala akong tiwala sa driving skills mo dahil finixer 'yang lisensya mo!" hinampas ni Alli ang braso nito.
"Hindi tayo mababangga sa kabobohan ko teh. Mababangga tayo sa paganyan-ganyan mong bading ka!" sagot ni Jennie rito at saka tahimik na magmaneho.
Inobserbahan ko ang pagmamaneho ni Jennie at maayos naman ito. Mukhang matagal siyang nag-aral bago tuluyang pahawakin ng manibela. Hindi siya mabagal magmaneho at hindi rin naman nakakatakot ang pagiging mabilis niya. Hindi rin nakakahilo ang pag apak niya sa gas at brake.
"Bakla kapag di ka nagkuwento sa'min kung ba't ganyan mata mo, ibababa ka namin." pabirong pagbanta ni Alli.
Pinarinig ko sa kanila ang nirecord kong phone call namin kagabi. Ngayon lang ako nagulat sa pag-apak ni Jennie sa brake. Binusinahan pa siya ng mga sasakyan na nasa likod kaya lalo siyang nabwisit. Nakita ko ang mabilis niyang pag-signal sa kanan at saka lumiko sa ligtas na lugar bago huminto at mag-hazard.
BINABASA MO ANG
Lipad-Alapaap (Girlhood Series #3)
Teen FictionGianna Rossi, an aspiring pilot, a college YouTuber, and a lifestyle influencer, is the woman that every youth looks up to. She leaves sparkles wherever she goes, and the way she turns her wisdom into words is indeed hypnotizing - as if you have no...