16

3 0 0
                                    

I felt like I was an athlete preparing for my game to be done. However, when I finally reached that finish line, it would also be the end of me.

Esteban grew distant in a month. Sa isang buwan na iyon, pinipilit na lang namin parehong isalba ang relasyon na ito. Dapat nga yata ay magpasalamat ako dahil hindi lang ako ang may gustong ipaglaban ang relasyon na ito, kung hindi siya rin.

"Pinagbibigyan na lang kita, Gianna. Wala ka rin namang ginagawa para maging maayos itong relasyon natin. Hindi mo pinapatunayan sa akin na worth it ka," ayon ang mga salitang sinabi niya sa akin nang tumawag ako sa kaniya at umiyak.

Tahimik lang akong umiyak. Pinigilan ko ang mga hikbi ko dahil ayokong magmukhang kawawa sa pandinig niya. Ngunit batid ko pa rin na alam niyang nasasaktan ako dahil nababasag ang boses ko tuwing nagsasalita ako.

"Bakit parang nanliligaw na ako sa'yo?" hindi ko maiwasang itanong.

"Pakiramdam mo palang nanliligaw ka na lang, e. Bakit hindi pa natin ito itigil? Napapagod na rin ako sa'yo."

Esteban was calm. But despite the stillness in his voice, my heart was still being stabbed for a million times. Wala iyong pinagkaiba noong sinisigawan niya ako at kung anu-anong masasakit na salita ang binitawan niya.

Mas gugustuhin ko pang mura-murahin niya ako kaysa ganito. Kasi dati, kahit gano'n siya, ramdam ko pa rin na mahal niya ako. Ngayon, parang wala na talaga siyang gana. Para bang naghihintay na lang siya na may mali akong gawin para may valid siyang reason na iwan ako.

Ngayon din ang araw na tatanggalin na ang semento sa braso ko. Mag-isa lang akong pumunta dahil sinasanay ko na ang sarili kong huwag dumepende sa iba. Naalala ko rin kasing pinagsalitaan ako ni Esteban noong nakaraang buwan na masyado akong dependent sa kaniya.

"Masyado kang naka-depende sa'kin. Ano ba 'yan? Wala ka bang kaibigan at pamilya kaya sa'kin ka palagi lumalapit? Ang layo-layo ko oh!"

Tumagos iyon sa puso ko at hanggang ngayon, bitbit ko siya sa kung anoman ang gawin ko. Baka nga mali iyon. Maling dumedepende ako sa iba. Nagtatalo ang mga naiisip ko sa loob ng utak ko dahil sa kabilang dako, may bumubulong sa akin na 'No man is an island.'

"Kumusta na pala iyong kasama mo noong nakaraan?" tanong noong doctor habang tinatanggal niya ang semento sa braso ko.

"Okay naman po. Nasa Siargao na po siya ngayon at nagbabakasyon."

Hindi ako masyadong kinakausap ni Jennie pagkatapos noong nangyari sa amin. Kay Allison ko pa nalaman na nahihiya raw itong harapin ako, dahil napahamak pa ako dahil sa kaniya. Hindi ko naman siya sinisisi roon. Natutuwa pa nga ako dahil core memory iyon para sa aming dalawa. It was one for the books. It was a memory we would always talk about when we become older.

"Ikaw, hija? Hindi ka ba nagbakasyon? Isang buwan din noong huli kitang nakita ah." masyadong madaldal 'yung doctor. Ang dami-dami niyang sinasabi! "Dahil ba may cast ka? Ayan, pwede ka na gumala ngayon."

Pinagalaw niya pa sa akin 'yung braso ko nang tuluyan itong matanggal. Medyo nakaramdam ako ng ngawit noong una, pero noong nagtagal ay nawala rin naman. Nagpasalamat ako sa kaniya bago ako umalis. Nagkaroon ng maliit na ngiti sa mga labi ko dahil nawalan ako ng isang problema. Isang buwan akong hindi makakilos nang maayos.

Tuwing kumakain ako, laging kutsara lang ang hawak ko kasi hindi naman ako makahawak ng tinidor. Kaya ngayon na para akong nakalaya mula sa pagkakabilanggo, kakain ako sa Wolfgang mag-isa!

Umorder lang ako ng steak. Naisipan ko rin i-chat si Esteban kahit na nasa alanganin na kami kasi gusto kong ibahagi ang magandang balita na nangyari sa akin.

Lipad-Alapaap (Girlhood Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon