10

4 0 0
                                    

Everyone knew how hurt I was at that moment.

I caught everyone's attention, especially after Esteban acted like he didn't know me — like I was one of those crazy fan girls obsessed with him. God knew that wasn't the case. Para na akong girlfriend ni Esteban, kaya grabeng kirot ang nararamdaman ng puso ko pagkatapos niyang gawin 'yon. What's more embarrassing was it was seen on a livestream on Facebook. Lalo akong nasaktan nang makitang kinakaawan at tinatawanan ako ng mga taong wala naman alam sa namamagitan sa amin ni Esteban.

Kahit si Ethisse na kasama ko ay walang nagawa. Inaasahan kong mumurahin niya si Esteban at babantaan, ngunit parang mas nangibabaw ang gulat na nararamdaman niya kaysa sa galit para sa akin.

"G-gago 'yun ah!" ilang minuto pa bago siya napasigaw. Nakuha niya ang atensyon ng mga tao. "Tanginang mga taga Bulacan 'yan, oh! Kung gaano kaganda mga tanawin sa inyo, ganoon kapangit mga nakatira e!"

Hindi pa rin ako tapos umiyak. Habang nandito kami, lalo lang akong naiiyak. Hinawakan ko ang mga kamay ni Ethisse, nagmamakaawa. "Alis na tayo rito, please."

"Yes, Gigi. We'll get out of here." hinila niya ang kamay ko. Bago kami umalis, dumaan pa muna kami sa team CLRAA na nagkukumpulan sa gilid habang kinakausap ng coach nila. "Putangina mo, Esteban Izquierdo! Sana magkaroon ka ng ACL para hindi ka na makapaglarong hayop ka!"

Agad na nagpaalam si Roshaun sa coach nila para puntahan kami, samantalang si Esteban ay pinasahan lang kami ng tingin bago tumingin sa ibang direksyon. Lalo na naman akong naiyak sa sakit dahil sa ginawa niya. Talagang tinatrato niya ako na parang wala lang ako sa kaniya!

"Gianna, I am so sorry. I wouldn't let that happen again." si Roshaun ang nanghingi ng paumanhin sa akin kahit wala naman siyang ginagawa.

Walang ibang ginagawa ang katawan ko kung hindi umiyak. Kahit anong gawin ng mga taong nasa paligid ko, sumasakit ang puso ko. Kinuha ko 'yung dilaw na panyo na bigay sa akin noong Blanco at pinangpunas iyon sa mukha kong basang basa. Kahit na nagpunas na ako, may luha pa rin na pumapalit. Nasasaktan ako ngayon dahil si Roshaun ang lumapit sa akin para mag-sorry at hindi si Esteban. Sa ibang tao ko talaga natatanggap 'yung mga bagay at salitang gusto kong marinig mula sa kaniya.

I couldn't help but question my worth. Am I deserving of experiencing all of this agony when all I wanted was to be loved and be treated with care and tender?

"Isa ka pang bobo ka!" umamba si Ethisse na babatukan niya si Roshaun kaya napaiwas agad ito. "Anong magagawa ng sorry mo? Kung hindi ka ba naman nag-iisip! 'Yung magaling mong kaibigan ang palapitin mo rito! Siya ang pahingin mo ng sorry sa kaibigan ko!"

Napatingin sa kaniya 'yung coach ng Team CLRAA kaya lumapit ito sa amin. Inakbayan niya kaming dalawa ni Ethisse na parang ginagabayan kami lumabas sa gymnasium. Nang makalabas kami, saka niya kami hinarap. Kasa-kasama pa rin namin si Roshaun na nag-aalalang nakatingin sa akin.

"I personally didn't like what Esteban did to this young girl," wika noong coach at tinapik ako sa likod. "What's your name?" he asked.

"Gianna."

"Gianna," he called me, holding my hand like I was his daughter. "As Esteban's second father, I will make him realize how shitty he was to you back in court. Girlfriend ka ba niya, anak?"

I didn't know why I cried again when he called me anak. Was it because of the daddy issues? Or maybe, it was solely due to the fact that I was hurting.

"Parang ganoon na po." hindi ko alam kung naintindihan niya ba ako dahil mas naririnig pa 'yung paghikbi ko.

"Gianna, if Esteban didn't change his ways after this, please, as someone who is older than you, sundin mo ako." hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Iwan mo na siya. Bata ka pa, mukhang asa high school ka pa rin. Masyado ka pang bata para harapin kung gaano kasakit ang dulot ng pag-ibig. 'Wag mong sisirain ang sarili mo dahil lang sa lalaki."

Lipad-Alapaap (Girlhood Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon