Chapter 2

45.4K 787 118
                                    


MASAMA pa rin ang tingin ko sa kanya habang ginagamot ni Khiel ang mukha niyang may bangas dahil sa pagsapak ko sa kanya.

Bagay lang 'yan sa kanya. Tinatanong ko siya nang maayos ngunit iba ang sinasagot sa akin. Inaasar pa ako upang mapuno ako.

Ayaw pa kasing umamin na siya ang chumukchak sa akin kagabi. 

"Apo, ano ba iyong nangyari? Bakit mo naman ginawa iyon kay Egieboy?" tanong ni Lola habang may kunot sa kanyang nuo.

Ayokong sabihin kay Lola ang bagay na iyon. Alam ko kasi hindi niya magugustuhan iyon. At baka rin mag-iba ang tingin niya sa akin, sa amin. Pinsan ko rin sila at wala akong intensyon na mabaliw ang sarili ko sa kanila. 

Kapag iniisip ko iyon, nandidiri lang ako sa sarili ko. 

Umirap ako kay Egieboy bago bumaling kay Lola. Pilit na ngiti ang sinukli ko sa kanya.

"A-ano kasi... paggising ko po kasi nakita ko siyang lumabas sa bathroom ko kaya nagulat ako," pagsisinungaling ko rito. 

"Kaya mo siya sinapak?" Kuya Ralgy asked upang sa kanya bumaling ang tingin namin.

Nakataas ang isang kilay niya habang nakakrus ang braso. 

Tumikhim ako at pinag pantay ang ngipin saka nakasimangot na nilingon si Egieboy na ngumingiwi pa rin dahil sa paggagamot sa kanya ni Khiel at niririinan nito ang pagdampi ng bulak.

Hindi ko pinansin si Kuya Ralgy. Wala talaga akong laban sa kanya. Pakiramdam ko kapag nagsisinungaling ako parang alam na niya iyon. 

"Ano iyong ginagawa mo roon sa kwarto ni Melissa, Egieboy, e may kwatro ka naman?" naguguluhan tanong ni Lola.

Tinabig naman ni Egieboy ang kamay ni Khiel sa paggamot ng bangas niya at kumamot sa batok.

"La, gumamit lang ako ng bathroom doon kasi sira ang grepo ng bathroom ko. Tulog pa rin siya with tulo ng laway sa bibig niya kaya hindi ko na ginising pa siya para magpaalam. Ilang beses na rin akong kumakatok sa pinto para pagbukas niya ako pero iyon nga, tulog pa siya," pagpapaliwanag ng tukmol.

Pakiramdam ko parang ako ang nahirapan sa kanya dahil sa haba ng sinabi niya. 

At ano raw? Tulo laway ko?!

"Bro, nandito naman ako. Free ang kwatro ko bakit kay Melissa ka pa pumunta?" kunot ang nuo ni Khiel na may pagtataka.

Oo nga naman. Bakit kwatro ko pa ang pinuntahan niya?

Tumingin muna siya sa likuran ko. Alam kong si Kuya Ralgy ang tinitigan niya saka siya tumikhim at nagsalita. "Naka-lock pinto ng kwarto mo kaya paano ako makakapasok? At isa pa mas malapit kwatro ni Melissa sa akin kaysa sayo. At kay Ralgy naman, alam mong ayaw niyang may nakakaapak sa kwarto niya." 

Tss. Ang daming dahilan. E, sino iyong chumukchak sa akin kagabi? Panaginip na naman ba iyon? Pero bakit ang sakit ng buong katawan ko nang magising ako kanina? 

Simula noong nanirahan na ako sa bahay ng mga pinsan ko ay palagi ko na iyon nararanasan gabi-gabi. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay bumibigay rin ang katawan ko.

Isang tao lang ang gumawa nito sa akin kung sakaling hindi iyon panaginip. Hindi ko lang alam talaga kung sino. Ngunit palagi siyang nakatanaw sa akin sa malayo. Pansin ko rin ang pagmamatyag niya sa mga kilos ko.

"Ayokong mayroon akong kakampihan sa inyo. Ganito na lang, Egieboy, huwag mo na iyon uulitin pa. May C.R. naman sa baba, 'yon na lang muna ang gamitin mo pansamantala." Bumaling naman si Lola sa akin. "Ikaw naman, babae ka at ang babae ay hindi nananapak ng lalaki, kundi humahawak ng betlog."

PS #1: Cousins Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon