Chapter 11

33.6K 674 77
                                    


"PUTANGINA!" Sinamaan ako ng tingin ni Khiel pagkatapos ko siyang kurutin sa tagiliran.

"Kung makatingin ka naman sa akin parang ang laki ng kasalanan ko sayo." Pinagkrus ko ang mga braso ko saka ko siya pinakatitigan.

Hanggang ngayon nagtatampo pa rin ang ugok na 'to dahil sa ginawa namin ni Kuya Ralgy sa pag-iwan sa kanila sa bahay. Hinayaan namin silang sarap na sarap na matulog sa sahig.

Imbes na ako ang magtampo sa kanila dahil sa palagi nilang paghihigpit sa akin, mukhang ako pa ang mag-a-adjust sa mga ugok na 'to.

"Malaki talaga!"  proud niyang sigaw at tinuon ang sarili sa pagmamaneho habang may kunot sa nuo.

"Eh, bakit hinatid mo pa rin ako." Sa ngayon tinaasan ko na siya ng kilay at pinaningkitan ng mata.

"Utos ni Ralgy," pagsisinungaling niya. 

"Nakuuuu. Magsisinungaling ka pa, ha. Ang sabihin mo, gusto mo lang magpalibre sa akin. Pass, Khiel, 'di pa ako nakakahanap ng sugar daddy," I said. 

Muntik na akong mapasubsob kung hindi lang ako naka-seatbelt dahil sa lakas ng pagprino ni Khiel. 

"Kingina, Khiel! Gutso mo bang mamatay na? Kung oo, pwes mauna ka! Huwag mo 'kong idadamay, punyeta ka!" Ang kaba ko ay hanggang paa kaya hindi ko mapigilang mapahawak sa dibdib ko habang hingal na hingal. 

"What did you say?" may kunot sa kanyang nuo nang itanong niya iyon sa akin. 

Masama ang tingin ko sa kanya. "Punyeta ka!" singhal ko sa kanya.

"No. Not that one. The sugar daddy thing." Sumeryoso ang mukha niya at parang wala lang sa kanya ang ginawa niya.

Gago 'tong lalaki na 'to, ah. Pa-chill-chill lang tapos ako ito, parang mag-aagaw buhay na dahil sa kaba.

"Iyan ba ang dahilan mo kaya mo iyon ginawa? Kung oo, balik ka na lang sa matres ng nanay mo!" 

Ngumiwi siya. "Melissa, my mom is dead, remember?" 

"Gisingin mo sa sementeryo tapos sabihin mo ibalik ka niya sa matres niya. Mindset ba mindset." Hindi ko mapigilan mamilusopo.

"Tsk! Teacher ka pa naman kung anu-ano lumalabas sa bibig mo. Sabagay ganyan na talaga ugali mo." Umiling siya habang may ngisi sa labi. Tila kilalang-kilala na talaga niya ako.

"Buti alam mo. Mabaog ka sana!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay lumabas na ako sa kotse niya. Ngayon ko lang napagtanto na nandito na pala kami sa paaralan. 

"Hoy, 'yong sugar daddy thing. Lagot ka sa akin kapag hindi mo iyon in-explain sa akin mamaya sa bahay!" sigaw niya sa labas ng bintana ng kotse niya.

"Tanong mo na lang sa betlog mong brown!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Buti na lang wala pang masyadong tao kaya wala pang nakakarinig ng sigawan namin. Kampanti pa ako roon.

Pinili ko talagang maaga ngayon dahil kailangan kong linisin ang classroom dahil sa meeting namin kahapon na may dadating daw na bisita ngayon. Ala singko pa lang nandito na ako at tanging si Kuya Guard pa lang ang tao, ako at may iba pang teacher na kararating pa lang.

Kapapasok ko pa lang ay may nadatnan na naman akong pulang rosas sa lamesa ko at hindi lang iyon, my lunch box din na kasama at sa pagkakaalam ko ay pagkain iyon. 

Kinuha ko ang sulat at binasa iyon. 

You didn't eat your breakfast, so I decided to cook for you. Eat that, love.

PS #1: Cousins Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon