Chapter 7

35.4K 792 126
                                    


"MELISSA, ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Encila habang kumakain ng isaw.

Nasa isaw-isaw food court kami ngayon. Niyaya muli ako ni Encila at hindi na ako makatanggi pa dahil naka ilang beses na siyang panay aya kumain dito ngunit hindi ko naman mapagbigyan noon dahil sa ang daming kaekekan ng mga pinsan ko.

Buti na lang pumayag si Khiel sa gusto ko. Hindi rin kasi namin ngayon kasama si Xenon dahil nagkaproblema daw sa kanila kaya hindi nakapasok. 

"Ayos lang naman ako. Bakit?" Sinawsaw ko ang isaw sa suka at saka iyon sinubo habang nakatingin sa mga college student na naglalaro ng basketball dito sa court.

"Gaga!" Nagulat naman ako sa ginawa niyang pambatok sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Anong ayos ka riyan?! Kanina ka pa nga tulala sa klase mo, e. Halos pagalitan ka na ng principal dahil d'yan sa kalutangan mo!" Pinandilatan niya naman ako sabay subo ng kinakain niya.

Napasimangot naman ako roon. 

Hindi ako nagpahatid kay Khiel, si Kuya Ralgy ang naghatid sa akin kanina dahil maaga raw ang meeting ni Khiel sa office. Hindi naman kami nag kibuan ni Kuya Ralgy dahil may katawag din siya sa telepono. Kaya lang babae ang kausap, e. 

Ayaw ko naman mangialam pero. . . ang landi kasi kung kausapin si Kuya Ralgy. Hindi ko naman sinasadyang marinig, sadyang naka-connect lang sa sasakyan niya ang tawag.

Sa gano'ng paraan, hindi rin ako kumibo noong lumabas ako sa sasakyan niya. 

Nago-overthink na nga ako sa mga pinaggagawa sa akin ni Egieboy, pati ba naman sa babaeng kalandian ni Kuya Ralgy! 

"Masama lang panaginip ko," pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay may dumalaw na namang gagong tao kagabi! 

Alam kong hindi si Egieboy iyon. Alam na alam ko dahil iba ang galawan niya sa galawan nung lalaki.

"Ano ba kasing napanaginipan mo at pati sarili mo parang najuga." Tinaasan niya naman ako ng kilay. 

"Huwag mo nang tanungin. Maloloka ka lang."

"Hmp! Ayaw mo lang ekwento e." Hinigop niya naman ang suka at nagtungo pa muli kay Manong para bumili pa.

What if sabihin ko sa kanya? Tutal kaibigan ko naman siya. Pero iniisip ko na baka sabihin niya sa iba. . . Ah! Bahala na nga!

Nang dumating si Encila sa pwesto ko ay tinanong ko agad siya.

"Encila, naka-experience ka na bang makipag-sex." Ngumiwi ako at parang nailang sa sinabi ko.

Napapikit ako nang maibuga niya ang kinakain niya. Buti na lang hindi sa pagmumukha ko. 

"A-anong sabi mo?" Gulantang naman siyang nakatingin sa akin. "S-sex kamo?!" Malakas iyon upang samaan ko siya ng tingin.

"'Yang bunganga mo, ayusin mo!"

Tinakpan niya naman ng isang kamay niya ang bibig niya at lumunok.

"Kung sex talk 'yan. Tara, sa kwatro." 

Binatukan ko naman siya upang mapangiwi siya. "Seryoso ako, Encila." Bumuntonghininga ako. Mukhang mali atang itinanong ko pa sa kanya. 

Bumuga siya ng marahas na hangin. "Sex ba? Oo, naranasan ko na. One night stand lang. Sayang nga kasi hindi niya pinutok sa loob ng pepe ko, hindi tuloy ako nabuntis. Sayang 'yong sperm! Tataguan ko rin sana iyon ng anak e."

Parang gusto kong manapak ng kaibigan. Ang ayos ng tanong ko tapos baliko kung sumagot. Bakit ko nga ba 'to naging kaibigan. 

"Kaka-wattpad mo 'yan! Punyeta ka!"

PS #1: Cousins Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon