Chapter 18

23.6K 528 37
                                    

"ITO 'yong address ng hotel na pupuntahan mo." Binigay naman ni Manager ang isang maliit na papel, na naroon ang address kung saan ako mag-tutungo ngayon. 

Ito 'yong address na pupuntahan ko kung saang hotel naroroon ang lalaking sinasabi niya.  

Sigurado ba talaga siya rito? Akala ko ba walang ganitong mangyayari?! Tsk! Iba talaga kapag pera na ang usapan. 

"Manager, pwede naman natin 'to pag-usapan, 'di ba?" Lumapit ako sa kanya at akmang ikakawit ko sana ang kamay ko sa braso niya nang talikuran niya ako.

"Alis na, Melissa. Aasikasuhin ko pa mga kasamahan mo rito." 

Nagpapadyak na lang ako at naiinis na ginulo ang buhok ko. 

"Manager, naman!" 

Tulad kanina nang kinulit ko siya nang kinulit na huwag na lang ituloy ito ay hindi na niya ako pinansin pa. Tinaas niya lang ang kamay niya habang nakatalikod at kumaway. 

Shutangina 'tong kalbo na 'to! Kainis!

Napatingin ako sa card na ibinigay niya sa akin. Address ito ng isang sikat na hotel dito sa Cavite. 

Huminga ako ng malalim at walang magawa kundi pumara ng taxi. Nagpahatid ako sa The Bayleaf Cavite, isa itong hotel. Hindi pa ako nakakapunta rito kaya bago pa sa akin ang paningin ko hotel na ito. 

Ano kaya ang naisip nung business man kuno na iyon para maisipang sayawan ko kuno siya. Hindi naman matanda iyon, ‘no? Pero sabi nila Angel gwapo naman daw? Pero bakit hindi ko naispang humingi ng picture?! Tsk! Nag-o-overthink tuloy ako, baka kalbo rin iyon. 

Umiling ako at biglang naisip si Encila, baka biglang gumising na lang iyon at malalagot ako. 

At speaking of the devil. Ayan na nga tumatawag ang gruha!

Nilayo ko kaagad ang telepono ko sa tainga ko nang marinig ko siyang tumatalak sa kabilang linya. 

"Hoy! Punyeta ka! At talagang pinainom mo pa ako ng pampatulog at pinusasan para hindi ka mapigilan at makapunta ka sa punyetang hotel na iyan?! Bumalik ka rito at tanggalin ang posas na ito!" Narinig ko pa ang pagtaas-baba ng kanyang paghinga dahil sa pagtatalak niya.

Bumuntonghininga ako. "Chill. Sasayaw lang daw ako, wala nang iba pa."

Hindi nga rin ako sigurado kung sasayaw lang ba talaga ang kailangan ko. Pero iyon lang naman ang usapan kaya may kaunting panatag ako sa sarili. 

"Melissa, hindi mo nga kilala kung sino iyang sinasabi nila na sasayawan mo kuno. Sinasabi lang nila na, sugar de papa para linlangin ka! Baka kapag nakita mo iyan sa personal, kalbo, panot, may balbas, o matanda na iyan. Oh, my goodness! Iyan ba ang sugar de papa?! Ang dugyot!" singhal niya pa sa akin, tila naiinis na, na parang maiiyak sa pagmamakaawa na huwag ko na lang ituloy pa. 

"Ikaw ang dugyot. Ang dami mong sinasabi. Bye na nga!"

Kahit kailangan talaga ang bunganga ng babaeng 'to. 

Ibababa ko na sana ang telepono nang magsalita pa siya muli.

"Bahala ka, lagot ka sa kanya!" 

Natigilan naman ako sa sinabi niya at gano'n din siya. Mukhang nadulas siya dahil na rin sa ramdam ko ang pagpapanic niya sa kabilang linya.

"A-anong sinabi mo? Sinong kanya?" Lumunok pa ako at kinukumperma siya. May halong kaba na rin sa sarili.

"A-ano. . . wala! Bye!" 

Iyon ang huli niyang sinabi bago niya ako babaan sa kabilang linya. 

PS #1: Cousins Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon