Chapter 16

27.5K 500 19
                                    


"NGA pala, off pala natin ngayon. Wala ka bang balak na gumala?" si Encila habang tinutupi ang kanyang mga damit na mukhang bagot na bagot na.

"May pupuntahan akong importante ngayon," sagot ko naman habang nakatulala sa pinapanood kong Dahil mahal na mahal kita. 

Ang ganda ng kwento na 'to. Isa rin sa dahilan kung bakit palagi ko 'tong pinaulit-ulit panoorin dahil kay Rico. Siya ang paborito kong actor na hanggang ngayon hinahangaan ko pa rin kahit matagal na siyang pumanaw.

Naaalala ko rin sa kanya si. . . umiling ako dahil naisip ko na naman siya. Bakit nga ang hirap tangalin siya sa isipan ko? Tsk! 

Kahit itanggi ko man, 'yong puso ko na ang nagtutulak na hindi ko pa rin siya mabubura sa isipan ko. Hindi ko man maamin sa sarili ko na kahit papaano, kahit sa sandaling iyon ay pumintig pa rin ang puso ko dahil sa kanya.

"Gaano ba ka importante iyan?" usisa pa ng bruha. 

"Ang dami mong tanong, Encila." Nasasanay na lang talaga ako sa pangungulit niya sa akin sa mga bagay-bagay. 

"Dalawa lang naman tinanong ko, marami na agad iyon para sayo?" pamimilosopo niya pa. 

Umiling ako at tumayo saka pinatay ang TV. Papasok na sana ako sa kwatro ko para maligo nang magsalita siya muli. 

"Hindi mo ba naisip na bisitahin sila?" 

Naisip ko na rin iyon noon, dahil siguro sa nami-miss ko na sila, ngunit kailangan kong maging ma-pride dahil ito na ang naging desisyon ko.

"Encila, alam mo ang nangyari sa akin at ang sitwasyon ko. Ikaw na rin ang nagtulak sa akin na umalis sa puder nila. May pagsisisi man ngunit ito na ako, ito ang gusto ko at ang desisyon ko."

"Naiintindihan ko naman ang mga desisyon mo, Melissa. Pero minsan isipin mo rin sila dahil sa kanila ka na lumaki. Hindi mo ba na isip na baka nami-miss ka na rin nila? Alam kong may kasalanan ako dahil sa padalos-dalos kong desisyon din, pero naisip ko rin na mali iyon. Sana tinanong mo muna sila kung ano ang dahilan kung bakit nila iyon ginagawa." Bakit pakiramdam ko nagsisisi na siya sa pagtutulak niya sa akin papalayo? Nahangginan ba 'to? O na bagok ang ulo?

"Ilang beses ko na rin iyon tinanong pero wala akong makitang sagot. Wala silang maisagot kundi gusto lang nila ako." Doon ko lang din nalaman na matagal na nila akong napupusuan. Simula nang dumating ako sa buhay nila. 

"Ang pagkagusto sa pinsan o kadugo mo ay malaking kasalanan, ngunit kung hindi mo naman kadugo at kaanu-ano ang isang tao, bakit hindi mo hayaan ang puso mo na mabaliw rin?" Napatitig ako sa kanya nang makita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. 

"Mali pa rin, dahil namulat kang nasa isip at puso mo na kadugo mo sila. Kadugo man o hindi, mali pa rin. Ayoko nang maulit pa iyon." Umiling ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko.

"E, bakit ka umiiyak?" usisa niya. Kunot ang kanyang nuo.

Natigilan naman ako at kinapa ang pisngi ko. Mariin ko naman iyon pinunasan at tinalikuran siya. 

"Dahil nasasaktan pa rin ako. Please, ayoko nang makarinig tungkol sa kanila. Huwag mo na rin silang i-mention pa."

UMALIS ako ng bahay at nagpara ng taxi. Sinabi ko kaagad kung saan ako magtutungo. Hindi na rin ako nakapagpaalam pa kay Encila, dahil tulog noong madatnan ko siya sa sala. 

Mukhang napagod ang bruha kakatupi ng mga damit niya. Kala mo naman ilang basket ang kanyang nilabhan. 

Nagbayad at bumaba agad ako ng sasakyan nang makarating sa mall. May binili lang akong cake sa goldilocks at isang bagay na ikakatuwa niya. 

Napahinto ako nang madaanan ko ang isang shop nang may napansin akong pamilyar na dalawang tao. Namimili ito ng mga magagandang damit habang may mga ngiti sa kanilang mga labi. 

Parang may sumakal sa dibdib ko at bigla iyon sumikip. Nanatili ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Na para bang napako ito roon. 

Sa mga ngiti niya, alam kong masaya na siya. At masaya na rin ako dahil nakikita ko siyang masaya sa iba. 

Bago pa nila ako mapansin ay tinalikuran ko na sila. Bumuga ako ng malalim na hininga saka nagtuloy-tuloy maglakad palabas ng mall. 

Nagpara muli ako ng sasakyan at nagpahatid sa huling paroroonan. 

Hindi ko rin naman sila masisisi kung makikita ko silang masaya sa ibang tao. Mas gugustuhin ko pa nga iyon kaysa ako palagi ang bukangbibig nila.

Bago ako umalis noon, nagpaalam muna ako kay Lola. Hinayaan niya naman ako sa mga desisyon ko. Hindi dahil sa alam ko na ang katutuhanan na hindi ako tunay na anak ng tinayuan kong mga magulang, kundi dahil alam niyang malaki na ako at may isip na rin ako.

Sa huling pagkakataon na tinanong ko ang tatlo kung pinsan, kung bakit nila nagawa iyon sa akin. Iba ang narinig kong sagot sa kanila.

Inamin nilang matagal na nila akong gusto. Inamin nilang matagal na silang baliw sa akin, at matagal na rin nilang alam na hindi ako tunay na anak ng mga magulang ko.

Hindi ko alam kung sasaya ba ako sa aking nalaman. Hindi ako nakapagsalita noon dahil sa hindi makapaniwalang lumabas sa kanilang bibig. Na para bang kung magsabi sila ng kanilang nararamdaman para sa akin ay ayos lang na nasa harapan ko silang tatlo habang sinabi iyon.

Ang seseryoso pa ng kanilang mga mukha nang sabihin iyon nila sa akin. Parang dama mo ang kanilang sinasabi dahil sincere sila roon.

Imbes na magsalita pa ng mahaba, sinabi ko na lang ang bagay na hindi sila sangayon, ngunit wala silang magawa dahil desisyon ko iyon. 

Bumaba ako sa isang gate ng village na palagi kong pinupuntahan kapag off ko sa trabaho. Kilala na ako ng guard dito kaya ng makita niya ako ay pinapasok kaagad niya ako.

Nasa panglimang bahay ang punta ko. Gaya na palagi kong gawain ay huminto lamang ako sa pang-apat na bahay at tinanaw ang panglimang bahay.

Tumalikod ako nang may lumabas doon na babae. Tanging simpleng bestida lamang ang suot nito. Nababagay lang sa edad niyang 40's. Na sa pagkakaalam ko ay ang pakay ko. 

Napansin ko kaagad ang trash bag na itatapon niya sa baharap ng bahay. Alam kong ilalagay niya lang iyon, sakaling kapag dumating ang mga kukuha ng basura. 

Nakarinig naman ako ng iyak ng sanggol upang humigpit ang hawak ko sa aking dala. Nangilid din ang nga luha ko ngunit pinigilan ko iyon.

"Saglit lang! Ito na, papasok na ang Mama!" Ramdam ko naman ang pagmamadali nitong pagpasok sa loob.

Nang mawala ito at marinig ko ang pagsara ng pinto. Humarap ako at huminga ng malalim bago naglakad patungo roon. Nagmamadali kong inilagay sa pintong iyon ang dala ko saka nag-doorbell. 

Bago pa bumukas ang pinto ay nagmamadali na rin akong umalis doon. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makalabas na ako ng village.

Doon ko lang pinakawalan ang luhang pilit huwag bumagsak. 

Alam kong mali ang ginawa ko. Pero wala akong choice e, sana mapatawad niya ako.

Magpapara na sana ako ng sasakyan nang biglang may tumawag sa akin. 

"Melissa?"

Umangat ang paningin ko at umawang ang bibig ko nang makilala ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon. 

Dalawang tao na rin pagkatapos kong mag-resign sa trabaho. Hindi ko na siya nakita pagkatapos nun. Maraming nagbago sa kanya. Hindi lang sa pananamit, kundi sa sarili niya. Mas maayos at gwapo na siyang titigan ngayon. Pero may isang bagay lang ang hindi nagbago sa kanya. Ang mga hindi pagbura ng mga ngiti niya.

"X-Xenon?" 

PS #1: Cousins Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon