Chapter 17

29.8K 561 70
                                    

"DALAWANG taon kang nawala, Melissa. Hindi mo pa nga ako sinasagot iniwan mo na agad ako," wika niya at humawak pa sa dibdib niya na parang nasasaktan.

Tama siya. Hindi ko na rin siya noon nakita o nakausap pagkatapos kong mag-pasyang lumayo. Pagkatapos kasi nun, sinira ko na rin ang sim card ko at nag-deact sa lahat ng mga social media accounts ko.

Alam kong hindi naman talaga sa ibang bansa ako lumayo, nandito pa rin naman ako sa pilipinas. Hindi maipagkakailang magkikita pa rin ang landas naming magpi-pinsan at ibang mga taong nakakakilala sa akin.

Sa ngayon nga isang pinsan ko pa lang ang aking nakita dahil kay tadhana. Isama mo na si Xenon na naging parte rin ng buhay ko. 

"Pasensya ka na, Xenon. May problema lang talaga ako noon na pinagdadaanan kaya mas pinili kong magpakalayo-layo," pag-explaine ko at nagpilit ng ngiti sa kanya. 

Sumilay na naman ang mga ngiti niya at sumubo ng carbonarang in-order namin sa isang simpleng restaurant.

Pansin ko na kaunti lang ang mga taong pumupunta rito kahit sa totoo lang ang sasarap ng mga luto nila rito. Medyo patago rin kasi ang restaurant na ito kaya siguro gano'n. 

"Ayos lang, naiintindihan ko," ani niya saka uminom ng tubig. "Pero pwede ko naman siguro ipagpatuloy ang panliligaw ko sayo? Wala naman akong naging girlfriend simula noong hindi na kita makita. At siguro naman wala ka rin boyfriend." Tinaasan niya ako ng kilay sabay punas ng bibig niya. 

Gusto kong ngumiwi sa sinabi niya. Pero ginawa ko iyon sa isip-isip ko na lang. 

Napakadali lang sabihin iyon sa kanya. Sa pagkakaalam ko kakikita pa lang namin ngayon tapos kung umasta siya, kailangan sundin ko na agad. 

Hindi ko tuloy mapigilang mag-iba ang pananaw ko sa kanya. Hindi naman siya ganyan dati. Nakakapanibago.

"A-ahm. . . Xenon, kasi. . ." 

Natigilan ako nang mapansin ko ang mahigpit na paghawak niya sa tinidor. Para itong nagpipigil sa ano mang gawin niya. 

Tumikhim siya at inayos ang sarili. "It's okay, I won't force you." Ngumiti siya ng pilit sa akin upang makahinga ako ng maluwag. "Nga pala, anong ginagawa mo roon sa loob ng village?" Sa gano'ng paraan niyang tanong, nakita ko ang pagseryoso ng kanyang hitsura, ngunit nagbago rin iyon pagkatapos. 

Piniling ko ang ulo ko. Hindi ko talaga minsan masagap ang pag-iiba ng kanyang emosyon na lumalabas sa sarili niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago nagsalita "Ahm. May pinuntahan lang na importante roon," sagot ko at nagpilit ng ngiti. 

"Gano'n ba?" 

"Oo, ikaw anong ginagawa mo roon?" Sa pagkakaalam ko, noong palabas na ako sa village, nakita ko na papasok pa lang siya bago namin makita ang isa't isa. 

Umangat ang gilid ng labi niya at ngumisi sa akin. Hindi ko alam kung bakit kinilabutan ako sa mga ngisi niyang iyon. "Oh, that. Doon ako nakatira. Sa pang apat na bahay." Mas lumapad pa ang kanyang ngisi upang manginig ang buong katawan ko.

PAGKATAPOS ng dinner namin ni Xenon, nagpaalam na agad akong uuwi na. Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang niya tinanong kung saan ako nakatira. 

Pinilit niya pang hingiin ang cellphone number ko, kahit labag sa loob ko ay ibinigay ko na lamang. Medyo na inis pa ako dahil pinipilit niya na naman na ligawan ako. I have no choice kundi ang sumangayon. 

Pagkauwi ko ay wala si Encila. Tumunog ang telepono ko at doon ko lang nakita message niya sa akin. 

From: Walang Dilig

PS #1: Cousins Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon